Mahigit tatlong buwan na mabilis na lumipas. Naging masaya naman ang bakasyon ko sa probinsya at heto isa pa rin akong jobless. Gusto ko sa ang bumalik sa kompanya na pinapasukan ko dati pero parang mas gusto ko ng ibang trabaho. Kaso wala akong alam na ibang trabaho. Iyon ang malaki kong problema. Kaya ito at naka focus ako sa investments ko.
Sa ganitong bagay ata ako swerte. From very small percent na investments na sinimulan ko at nasa 1.5 percent na ito ngayon. Hindi ako nag sisi na nilagay ko lahat ng kinita ko sa investments dito. May na kilala rin ako na financial advisor na may investment din dito at naging close friend ko siya. Kahit sa chat at phone lang kami halos nagkakausap. Hindi pa kami talagang nagkikita dahil taga ibang bansa din siya.
Yong small business namin sa probinsya ay pa tuloy naman na lumalago. Pinagtutulungan ng buong pamilya. Sa totoo lang hindi nila alam kung magkano talaga ang meron ako. Hindi naman sila nagtatanong. Hindi ko alam pero mas gusto ko na lihim nalang talaga ito sa akin. Kahit so Dallas hindi rin alam.
At ito nga. Huling balita ko kay Dallas at sobrang busy siya. 2 weeks straight niya na akong hindi nakokontak at di ko rin siya makontak. Nagpaaalam naman siya at wala naman akong kaba na nararamdaman.
Magaling siya, matalino, maabilidad at gwapo. Haha! Alam ko kahit anong kaso pa ang hawakan niya ay gagawin niya ang lahat.
At dahil sa wala akong magawa, nakabili ako ng ilang local stocks/investments sa hindi naman gaanong kalakihan halaga. Sapat na rin siguro para umiikot ang pera. Sana makausap ko uli si Maryland kung di siya sa busy. Kailangan ko ang idea nya.
"Mazee, ayos na ang lahat sa pool side." agaw atensyon sa akin ni Nanay Felly. Busy kasi ako sa laptop kaka check at kakaupdate ng investment.
"Hala si nanay talaga. Parating na rin po mga kaibigan ko. Kaya na din po namin yon." tugon ko sa kanya at tumawag siya sa akin.
"Ikaw talagang bata ka. Alam mo namang trabaho ko yon."
"Nanay talaga! May mga kamay naman kami ee. Kaya na namin yon. Saka maaaga pa po."
"Ikaw lang talaga ang kaisa isang naging amo ko na hindi kami trinato na kasambahay. Inampon mo na nga kaming mag anak dito sa mansyon mo." nahihiya nyang sabi.
"Para ko na rin po kayong nanay. Saka kung di dahil kay tatay baka nasira na yong si civic at monte kasi di napapaandar at baka naging haunted House at haunted car na din yon." biro ko sa kanya.
"Trabaho namin iyon hija." natatawa nyang sabi. "enjoy kayo ah. Ako'y dito lang sa sala o sa kwarto namin at tawagin mo lang ako kung may kailangan ka."
"Sige po Nay. Pahinga na kayo. Ako na magbubukas ng Gate." sabi ko. Pumunta ako sa kusina at tiningnan mga naka prepare na gamit at pagkain. Alam ko magdadala sila ng malabon, fried chicken, cake at lumpia. Nababad na ni nanay yong barbecue at sigurado nakahanda na grill sa labas.
Saka ko lang narealize na wala pala akong softdrinks o juice. Naisipan kong tawagan sila at sinabi na bumili na daw sila.
"Beh,malapit na kami. Saan ba banda bahay nyo?" tanong ni Beatrice.
"Left wing ng village. Pag sa guard house na kayo sabihin nyo. Nag inform na ako na papasukin kayo." sagot ko sa kanya. Lumabas na rin ako sa Gate para abangan sila at nag labas ng pambayad sa grab car.
"Hi Mazz! May event kayo?" tanong ni Gazelle nang huminto yong kotse nya at nakita ako sa labas.
"Kunting salo salo lang ng mga ka trabaho ko dati. Ikaw pauwi ka na?" tanong ko.
"Oo, saka nga pala ito para sayo. New cake na gawa ko. Sana magustuhan mo." nagulat ako sa inabot niya sa akin at nahihiya akong tinanggap iyon.
"Salamat Gazz. Nakakahiya naman."
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomantizmThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...