26

869 59 2
                                    

Sa kalugmukan ay sumama na muna ako kila daddy pauwi ng probinsya. Hindi pa rin mawala sa isip ko na ganon lang siya ka bilis nakapag move on at palitan ako. 1 week lang???

Sabagay, kasalanan ko naman. Hindi ko siya pinili. Lumalabas na hindi ko siya pinaglaban.

Ilang linggo na rin ako dito sa probinsya at wala akong ginawa kundi mag kulong. May meeting kami dapat ng financial advisor ko pero by phone nalang kami nag usap.

Inayos ko ang sarili dahil kailangan naming mag usap ni Maryland naman about sa global investments namin.

"Hey, you look awful." biro nya sa akin. Halata parin kasi eyebags ko kahit na naka suot ako ng clear na salami.

"Don't mind me." sagot ko naman sa kanya.

"You are just gonna be fine. I believe in you." bahagya lang akong napangiti sa kanya. Pinag usapan namin about sa possible na pagbaba ng Market. Nag sabi siya ng mga strategies niya at talagang in depth ang conversation namin.

Mas marami akong nauunawaan sa kanya. Ang clear at precise ng explanation nya. Kailangan ko pa rin na mag aral ng business. May mga charts siyang pinakita sa akin.

"You know what, we are still lucky that we did not get negative last month. There was a huge drop. Good thing, we still got 3 percent unlike to others." masayang sabi niya.

"Nice to hear that." sagot ko.

"Are you interested in possible advertising business?" tanong nya. Napaisip ako.

"I can't afford that." sagot ko sa kanya. Hindi naman kalakihan kung tutuusin ang nilagay ko. Para itong sugal pero maganda naman ang kinalabasan. Wala pa akong nalalabas dito at nilalagay ko lang uli doon ang kita ko. So far malaki na rin sa loob lang ng mahigit isang taon. Noong una sa totoo lang di ko alam na global business pala ito. Natakot pa ako kasi baka maglaho lang ang pera. Sinuwerte lang din ako kaya maganda ang naging resulta at dinagdagan ko kahit paano. Medyo naging kampante lang ako dahil sa research ko ay maganda ang market value nito.

Sa local investment naman ay maganda rin ang kinalabasan. Si Miss Vina naman ang bilin nya sa akin ay mag tayo daw ako ng sarili kong negosyo. Kahit maliit lang daw muna dahil nakikita nya na may malayo akong mararating. Sana nga. Ang alam nya yong lahat ng investments ko at napansin ko na iniingatan nya yon.

Ang akala nya, nilagay ko lahat ng meron ako doon kasi para daw sa kanya sobrang laki ng pera na andoon.

"Hmmm.. Your shares are very good and I am pretty sure that it will still grow. In any case that you will be interested, let me know. We will be more than happy for you to be part of the team." sabi niya sa akin.

"Your offer is too generous." sagot ko naman sa kanya.

"I've never suffer any loss since I've meet you. You must be my lucky charm." nakangiti nyang sabi. Ang alam ko nasa 6 or 8 percent ang shares nya dito. Masaya ako na tinutulungan nya ako.

"It is due to your hard work." sagot ko sa kanya. Bumalik na uli kami sa details at may mga tinuturo siya sa akin. Nagulat ako nang biglang pumasok si daddy sa kwarto. Sabay kaming na tahimik ni Maryland.

"Sinong kausap mo?!" cold na tanong ni daddy.

"What was that?" tanong nya na takang taka at nagulat.

"One moment." agad kong sabi kay Maryland at nilagay ito sa mute.

"I am on a conference for business." di ko mapigilang inis na sabihin. Pabalang naman na sinara ni daddy ang pinto. Mukhang malabo na kaming bumalik ni daddy sa dati.

I miss my sweet father. He is now totally different.

Bumalik na ako sa pag uusap namin ni Maryland at nag sorry sa nangyari. Pag katapos namin at tumawag naman si Miss Vina.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon