Sobrang saya ko nang dumating na ang araw ng flight namin papunta sa Coron. Sobrang excited ko at natatawa si Dallas dahil parang bata daw ako na kumain ng chocolate. Ang hyper ko daw.
Pagkalapag namin ay deretso na sa hotel at nananghalian. May City tour kami sa hapon at susunduin kami agad. Sobrang nag enjoy ako sa lahat ng pinuntahan namin.
Naka kapagod man sa Paakyat sa Mt. Tapyas ay sobrang sulit nong makarating na kami sa taas. Last trip namin ay sa hotspring.
"It smells like hard boiled egg here." sabi niya pag kalublob sa hotspring. Ang sarap sa pakiramdam non!
"But it is really refreshing." tugon ko naman sa kanya.
Pag kauwi namin ay maaga akong nakatulog dahil sa pagod. Sa dami ng pinuntahan namin ay talagang pagod na pagod ako. Di ko alam pero na tulugan ko si Dallas. Huli kasi siyang nag shower. Humiga lang ako sa kama at pinikit ang mga mata at kusa ng nakatulog. Bahagya ko pang narinig ang pag tawag nya sa akin matapos siyang maligo at ang pag tawa nya dahil sa nakatulog na ako.
Sa excitement ay maaga akong nagising dahil Island tour namin ngayon.
Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog at napangiti ako. Hinalikan ko siya sa labi at niyakap ng mahigpit.
"I love you.." bulong ko sa kanya. Bigla siya g ngumiti.
"I love you more, babe." saka nya ako masuyong hinalikan. Gising na rin pala siya.
Maaga din kaming sinundo ng service para sa Island tour. After namin mag breakfast ay na doon na agad yong van. Sa unahan kaming dalawa umupo. Naka polo at maong shorts pa siya sa loob at yong parang hanging na rash guard at match na pababa non. Suot ko naman yong may stripes na black na swim wear at naka maong shorts ako. Nag suot din ako ng off shoulder white loose blouse. Isang water proof bag lang dala namin at dala nya yong go pro. Pareho kaming may shades at beach hat.
Joiners kami sa Beach hopping. May nauna ng isang pamilya doon at limang grupo ng kabataan. Maya maya may apat na grupo ng mga babae na sumakay na rin sa bangka. Mga foreigner, dalawang White at Black. Magaganda silang lahat.
Inabot na sa amin ang life jacket. Required daw na suot in kung hindi di kami aalis.
Nasa 20 minutes ang way papunta sa kayangan Lake. Napansin ko na parang nag papacute kay Dallas yong mga foreigner. Naiirita ako. Siguro kung di ako naka shades at nakita na nila ang panlilisik ng mata ko.
"Kay aarte." bulong ko.
"You okay, babe?" tanong nya sa akin at pinasandal ako sa kanya. Yong isang braso niya parang bahagyang naka yakap sa akin.
Ang sama ng awra nya. Anong problema nito? Saka ko lang napansin na yong anak na lalaki ng na unang sumakay sa bangka ay nakatingin sa amin? O sa akin?
Cute siya, chinito, di nya ata kamukha mga kapatid nya. May dalawa kasing batang babae at lalaki na sa tingin ko ay 8 at 10. Siguro sa una siyang asawa anak. Tingin ko sa kanya mga bata pa, siguro 18 or 19.
Nang malapit na sa may kayangan Lake pinapwesto kami sa may dulo ng bangka ng tour guide para sa pag picture.
Nakakatuwa lang na inaalalayan ako ni Dallas lagi.
"Hi!" bati kay Dallas ng isa sa apat na foreigner. White siya at blonde ang buhok. "Are you European?" tanong nito.
"Kind of." tipid nyang sagot.
"You're from New York." bulalas nito. Sa pag ka kaalam ko since nag ka isip si Dallas ay sa New York na sila nakatira. New yorker accent siya, pero di naman nawawala yong Swedish accent nya.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
Любовные романыThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...