Nang matapos kami kumain at medyo nakapagpahinga ako ay niyaya na niya uli akong maglibot. Sobra akong natutuwa sa school nila at namamangha. Halos hindi ko na namamalayan ang oras.
"Ang gaan nyang kasama." Bulong ko sa sarili ko.
Lumabas kami sa parang malaking ground na kung saan may fountain sa gitna at bermuda grass. May mga iilang estudyante ang nakatambay at nakaupo doon. Parang nagpipicnic lang.
Yong fountain medyo pailalim at may iilang malalawak na parang hagdan na itsura na pabilog at upuan yon. May apat na hagdan sa magkakaibilang dereksyon.
Para itong yong mga napapnood ko sa movies. Sobrang saya ko dahil lahat ng gusto ko ay unti unti ko ng natutupad.
Yong wishlist ko.. nababawasan na.
"Dallas!" tawag sa kanya ng isang babae.
"Hey!" sagot ni Dallas.
"Mazz, stay here. I'll be right back." nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako at pinanood siya habang papalapit sa isang babae. Maganda yong babae at blonde hair. Sinalubong siya ni Dallas ng yakap at hinalikan naman siya nito sa pisngi. Napabuntong hininga nalang ako at inilabas ang phone ko. Tiningnan ko yong mga pictures na kinuha ko habang nag totour kami. Mayroon din kaming selfies ni Dallas. Ang gwapo niya talaga. Gustong gusto ko yong kulay ng mga mata niya.
Napalingon akong muli sa dereksyon ni Dallas pero wala na siya. Hindi ko alam pero medyo nainis ako. Tama bang iwan niya ako?
Ilang minuto na ba ang nakakaraan at naiinip na ako. Napaka time conscious ko pa naman at ayaw ko maghintay ng sobrang tagal dahil talagang mainipin ako. Lumilinga ako sa paligid at unti unti nang umaalis ang mga estudyante. Hapon na rin pala. Gusto ko pa sanang umalis at magliwaliw. Siguradong late na uuwi sila Alice at Brad. Ayaw ko naman na mag stay doon na si Claire lang ang kasama dahil nakaka asiwa. I know that she's a lesbian at pati si Dallas which is really obvious lalo na sa kilos at pananamit niya. Pero magkaiba sila ni Dallas. Si Claire, babaeng babae parin ang dating pero ang bigat ng atmosphere kapag nasa paligid siya. Yong mga tingin niya hindi ko rin gusto. Si Dallas naman magaan siyang kasama kahit vocal siya sa feelings nya. Siguro natutuwa lang siya sa akin pero di niya ako maloloko. Love at first sight? Imposible yon.
"Nasan na ba yong Texas na yon?" iritang bulalas ko. Napatingin ako sa relo ko at isang oras na pala ang nakakalipas. Aalis nalang ako. Pero hindi ko alam kung nasan ang exit. Sa dami dami ng nilusutan at pinuntahan namin sa school nila na ito, hindi ko yon agad matatandaan.
"Bahala na." sabi ko sa sarili at tumayo na. Lumakad na ako paalis sa kinauupuan ko pero napatingin ako sa ganda ng paligid. Ang sarap ng hangin kahit sobrang lamig at ang bango ng paligid.
"Sana mag snow na. Gusto kong makakita ng snow." bulong ko sa sarili ko. Lumakad na ako kahit hindi ko alam kung saan ako lalabas. Medyo dumilim na rin ang paligid. Muli akong lumakad papunta sa building na huli naming pinuntahan nang matanaw ko ton sa di gaanong kalayuan.
Laking gulat ko nang may humawak sa braso ko. Sa gulat ko napatingin ako agad dito.
"Where are you going?" kunot noo na tanong niya sa akin. "I told you to wait for me."
Isang matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya.
"Seriously?" iritang sagot ko. "You made me wait for than an hour and what would you expect me to do?"
"Look, I'm so sorry. I just needed to run to an errand."
"Errand mo mukha mo." bulong ko.
"What did you just say?" tanong niya sakin. Tinitigan ko lang siya at binawi ang braso ko.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...