Kina hapunan ay nag ayos ako. Sabi kasi ni Alexi ay mag suswimming kami. I feel like wearing two piece at yong white na pahalter ang naisipan kong isuot. Nag suot nalang ako nang pamatong dito dahil hindi pa ako ganon kasanay.Wala lang naman ito sa mga taga dito. Normal lang ang ganito sa Beach.
Photo not mine. Ctto
Napansin ko yong suot kong hikaw kaya tinanggal ko na ito. Okay din itong Beach dress na parang ginasilyo. Aalisin ko nalang kapag nag swimming na.
Lumabas muna ako sa balcony nang kwarto. Nasa labas na sila at napansin ko SI dallas na nakahiga sa Beach bed. Pinagtitinginan sya nang mga napapadaang babae. Mukhang namumukhaan sya at may ilan pang nag pa picture.
Tuwang tuwa naman sya sa atensyon na nakukuha nya.
"Mazz, let's go." aya ni Hanna na kumatok sa pinto. Lumabas naman na ako at dahil sa wala akong suot na mataas na sapatos at maliit ako na katabi sya.
"Youre gorgeous!" bulalas nya at natawa lang ako sa kanya.
"Whatever, Hanna." syang nasabi ko. Naka Black swimsuit naman sya at ang puti nyang talaga.
Pag ka rating namin sa Beach ay nakita ko na napatayo si Alexi agad at inalalayan rin na makatayo ang gf nya.
"Hon, she's Mazee, my dear little hobbit sister." natatawang pa kilala nya sa akin. "Mazz, this is Elize."
"I'm so happy I finally met you. You were also a filipino, right?" masayang sabi nito.
"Oo!" naexcite ako sa pakilala nya. Ang simple nyang babae at medyo matangkad sya sakin mg kunti.
"Kala ko talaga niloloko lang ako ni Alexi. Omg! Buti nalang nagtatagalog ka pa." masayang sabi nito.
"Oo naman. Dumudugo na nga ilong ko sa kanila sa totoo lang." natatawa kong sagot. Hinawakan naman ni Elize ang kamay ko at hinila ako.
"Hey, where are you going?" tanong ni Alexi kay Elize.
"Girls talk." tipid nyang sagot kay Alexi at hinila na ako papunta sa may beach bench. Napalingon nalang ako Kila Alexi at Hanna na natatawa nalang at napakibit balikat.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...