Kabado at pakiramdam ko sasabog na talaga ang puso ko. Maagap ko silang pinuntahan sa sala. Hindi ko inaasahan na pupunta sila ngayon. Hindi sila basta basta pupunta dito ng walang pasabi at nagpapasundo sila sa akin sa airport.
Sana lang wag tama ang hinala ko. Natatakot ako at kinakabahan. Hindi ako handa sa kung ano man ang mangyayari.
Pinuntahan ko sila sa sala at kabadong binati. Seryoso ang mukha ni Daddy. Si Esther parang naiinis na hindi ko maintindihan habang si mommy ay tila malungkot.
Ito na ba talaga ang kinakatakutan ko?
"Daddy, mommy, Esther. Napabisita kayo." halata sa boses ko ang kaba. Hindi ko rin maipinta ang mukha ng tatay ko.
Si Esther halatang kabado rin pero parang naiinis na hindi maintindihan. Pakiramdam ko alam na nila ang tungkol kay Dallas. Pero paano?
"Ano ito?" tanong sa akin ni daddy at pa balang na Inabot ang ilang piraso ng literato. Nanlaki ang mata ko at halos lumagabog ang puso ko.
Tama nga ang hinala ko.
Picture namin ni Dallas sa El Nido. Paano? Sinong kumuha nito. Ang saya saya pa naman namin ni Dallas. Parang gusto kong kainin ng lupa ngayon.
"Nakita ka ng isa sa mga driver ng van at may kasama kang amerikana." gigil na sabi ni daddy at mas kinabahan ako. Sa picture na ito ay sweet kami ni Dallas at naka halik siya sa noo ko. Bukod doon mag kaholding hands kami.
"Wag mong sabihin sa akin na kaibigan mo lang yan at lalo pa na nakita kayong nag hahalikan?!" sigaw nya sa akin. Halos sumabog ang puso ko sa galit ng tatay ko.
"Daddy, magpapaliwanag po ako." agad kong sabi sa kanya pero kitang kita ko ang galit sa mga mata nya.
"Kaya ba ayaw mong umuwi sa probinsya at doon nalang manirahan, kaya ba binili mo itong bahay na ito, ginagastusan mo ang tomboy na yan?! Kailan ka pa naging ganyan?!" pangungutya nya na kinasama ng loob ko. Maayos na tao si Dallas.
"Daddy, hindi. Matagal ko ng nabili ang bahay na ito bago ko pa makilala si Dallas. Nakilala ko siya sa New York." kabado kong sagot sa kanya. "Daddy, makinig ka muna sakin, please. Mabuting tao si Dallas. Hindi ko sya ginagatusan." depensa ko.
"Kaya ba anim na buwan ka doon?! Nag sayang ka ng pera doon at anong na pala mo wala!" ramdam ko ang pangungutya at panghahamak sa mga salita nya.
Hindi naman makaimik si mommy at Esther sa galit ni Daddy. Sobrang nakakatakot siya. Napakabait niya at mapagmahal na ama. Ngayon ko lang nakita na magalit ng ganito ang tatay ko. Wala na akong nagawa kundi ang maiyak nalang sa takot sa kanya.
Si mommy bagamat malungkot at nakikita ko rin ang galit nya.
"Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan! Paano mo nagawa sa amin to, binigay namin sa iyo ang lahat, ginapang ka namin mapatapos ka lang. Por que ba mayaman ka na, gagawin mo na ang gusto mo?!" ramdam ko ang sama ng loob nya.
"Daddy, hindi sa ganon. Hindi ko naman sinasadya ito. Magbabakasyon lang ako kaso nag krus ang landas namin. Matinong tao si Dallas, maganda ang trabaho nya. In fact isa siyang kilalang abogado.."putol kong sabi.
"Pero babae din siya!!!" sigaw ni daddy. "hindi ko pinangarap na sa isang babae ka lang mapupunta! Mali ito Margaux Zyndria! Maling mali at hindi ako papayag! Hinayaan kita sa gusto mong gawin kasi may tiwala ako sa iyo. Tapos ito ang malalaman ko. Sa tomboy ka pumatol. Kung lalaki yan wala tayong problema kahit ngayon pa ay magpakasal o magsama na kayo, pero sa isang babae hindi! Hindi ako papayag na magkaroon ng salot sa pamilyang ito at hindi ako papayag na maging isa ka ring salot! "
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomansThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...