Matapos ang insidente na iyon ay hindi pa rin tumigil si Mathias sa pangungulit. Iniisip ko kung paano ako gaganti sa ginawa nyang iyon.
Kaso kapag naiisip ko naman na papaasahin ko siya tapos biglang sasabihin na wala talaga siyang mapapala ay naaawa naman ako. Alam ko kung anong pakiramdam na masaktan.
"Lumabas ka dyan. Mag usap kayo ni Mathias." sabi ni Daddy sa akin. Nakikialam nanaman po siya. "Pumayag ako dahil nag papaalam sa akin ang bata na magdadate daw kayo. Mabuti siyang bata at mas nababagay sa iyo."
"okay." tipid kong sabi at ayaw ko ng makipagtalo pa sa kanya. Naligo na ako at inayos ang sarili ko. After 30 minutes lang ay nakaayos na ako.
"Mazz." masayang bati niya. Dumeretso na ako palabas at sumunod siya. Napansin ko na dala nya ang kotse nya at nakaparada sa labas. Nasa labas din ang kotse namin at nasa akin ang susi.
"Pwede bang sa kotse ko nalang?" tanong nya. Hindi ako kumibo at sumakay na sa kotse ko. Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa akin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Mall nalang tayo. Typical date." sagot niya. Di na ako uli kumibo at pinaandar na ang kotse. Wala akong kagana gana
"Mazee, tungkol nga pala sa nangyari nong bday ko.." sabi nya at agad na akong nagsalita.
"Wag na nating pag usapan." it makes me uncomfortable.
"Sorry, your lips are just too inviting and I lost control. Malinis intensyon ko sayo." mahina nyang sabi pero narinig ko. Napairap nalang ako.
"Whatever." cold na sabi ko.
"Please Mazee.."
"Oo na. Kulit mo. Can you just shut up! I don't have a good temper!" saka lang tumigil. Nakarating naman kami ng matiwasay sa mall.
"Maganda daw yong showing ngayon. Tara sine tayo." aya niya sa akin. Pagpunta sa pilahan na pakahaba ng pila.
"Bili lang ang ng fries ikaw na pumila, okay lang?" tanong ko sa kanya. Favorite ko kasi ang potato Corner.
"Sige para di rin sayang oras. Sakto 45 mins masisimula na yong movie." sagot naman nya.
"Anong gusto mo?" tanong ko.
"Ikaw.." sagot niya at inirapan ko siya. "Totoo naman kasi."tawa nya." Ikaw na bahala.
"Okay.." sagot ko. Pumunta na ako sa stall ng potato Corner at nang oorder na ako ay may tumawag sa atensyon ko.
"Mazee?" masayang bigkas nya sa pangalan ko. Napangiti ako nang makita siya.
"Eli!" tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Kaso nagtataka talaga ako kasi malapit yon sa lips ko. Di naman siguro napapansin yon?
"I missed you!" sabi nito sa akin. "How are you?"
"I'm okay. I'm glad to see you here. So what happened? Why are you here, did you find her?" tanong ko at umiling siya.
"It might still be long way to go. What happened to you? . You lost weight." alalang sabi niya.
"Yeah." tipid kong sagot. Hinawakan nya ako sa mukha at tinitigan sa mata na para nya akong binabasa.
"Your eyes look sad. Tell me what happened?" sincere nyang tanong nang biglang may humila sa akin. Si Mathias na parang galit na galit.
"Hey?" gulat na tawag ni Eli.
"Tara na. Uuwi na tayo." cold na sabi nito.
"Ano ba? Kausap ko ang kaibigan ko!" irita Kong sabi sa kanya pero seryoso siya at hinila ako.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomanceThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...