Sa kasamaang palad, hindi ako nakakita ng trabaho sa NYC. Hindi ko alam pero di ako pinapalad sa mga inaaplayan ko.
Si Dallas naman mas lalong sumisikat at nakikilala. Wala pa siyang kaso na natalo at talagang masipag siya. Nakakamangha ang galing nya sa trabaho nya at talagang pursigido siya. Napaka competitive rin nya.
Hindi ko siya pinipigilan sa trabaho nya. Alam ko na gusto at mahal nya ang ginagawa nya. Nakasuporta ako sa kanya bilang girlfriend nya. pero sa totoo lang, sa side ko nahihiya ako. Graduate ako ng college pero hirap akong makahanap ng trabaho. Pa expire na rin ang visa ko.
Nagkausap naman kami at pumayag siya na bumalik ako ng Pilipinas na muna dahil mayroon silang kritikal na kaso.
Nalulungkot siya dahil di na nya ako halos makasama at maasikaso. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na wala namang problema yon.
Private ang kaso na kawak nya ngayon at kahit ako ay hindi ko dapat malaman. Kailangan din nila sa hideout dahil sobrang sensitive ng trabaho na iyon.
Sa totoo lang, kinakabahan ako pero inaasure naman nya ako na maayos siya at mas mabuti rin na umuwi na muna ako lalo pa na hindi nya ako naaasikaso sa pagiging abala nya.
Wala namang problema sa akin yon, trabaho nya iyon at hindi iyon magiging dahilan ng pag aaway namin.
I checked my investments and it is really good. Nakakamangha lang na sobrang laki ng kinikita ko doon. Gusto ko sana na iopen yon kay Dallas kaso ang problema busy siya. Gusto ko sana na kumuha ng idea kung tama ba ang ginagawa ko, nadadaya ba ako o sobra sobra kinikita ko.
Hinatid nya ako sa airport.
"I'm going to miss you." malambing nyang sabi sa akin at hinalikan sa noo sabay yakap ng mahigpit. Isang maleta lang ang dala ko at Iniwan ko na ang iba kong gamit sa kanya. Nagpadala na ako ng box sa deretso sa probinsya na pasalubong ko sa pamilya. Dederetso din ako sa probinsya at sa susunod nalang ako babalik sa bahay ko sa Manila.
"Do not overwork." sabi ko sa kanya.
"I'll do my best to call you often. I love you.."
"I love you.." sagot ko sakanya. For the last time hinalikan nya ako. Okay lang ito sa dito pero kung nasa Pilipinas ka ay pagtitinginan ka. Malapit na ang oras ng flight at tinulak na niya ako sa departure area.
Lumingon muna ako sa kanya sa huling pagkakataon. She waved at me and smiled. Pag pasok ko ay naluha na ako.
Namimiss ko na agad siya.
Business class ang ticket na binili nya sa akin. Maluwang ang pwesto at dalawahan lang.
Doon ako sa bandang window nakapwesto. Tumingin ako sa labas at pinunas ang luha.
"Hey.." narinig kong may bumati sa akin at. Napalingon ako sa kanya. "It's been a while"
"Eli, right?" tanong ko.
"I am glad you still remember." nakangiti nyang sabi.
"Going for a vacation?" tanong nya.
"Home." sagot ko naman.
"Oh I see. I thought you are already a citizen." napakamot siya sa bandang kilay nang sabihin yon. Napangiti lang ako at nailing. "You maximize the tourist visa?"
"Yes."
"I have a feeling that you should be here for quite sometime, but so many things had happened." biro niya at napangiti lang ako sa sinabi nyang yon..
"If I were her, I would have marry you so you do not need to leave. Did you two broke up?" tanong nya. Nakakagulat naman pag ka straight forward nya.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomansaThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...