18

903 66 14
                                    


Kanina pa ako SB pero wala pa rin si Mrs. Gibbs. Naiinip na ako. Maiksi lang talaga ang pasensya ko sa paghihintay. Nag checheck din ako ng ticket pauwi ng Pilipinas pero sobrang mamahal masyado. Doble ito nong price ng ticket ko sana pauwi dati pa. Mas mura pa ang ticket papunta sa ibang bansa sa Asia. Kaso ang problema, wala naman akong visa. Baka magkaaberya pa.

Hindi naman sumasagot si Mrs. Gibbs sa tawag ko. Siguro ay busy siya. 2:45PM na at sobra na akong naiinip. Ayaw ko talaga ng naghihintay ng matagal.

Napatingin ako sa labas at lubhang nalulungkot. Makulimlim ang paligid. Gusto kong umiyak pero napapagod na ako. Sobrang sakit at ang bigat bigat ng loob ko.

Nasa bandanh likuran ako nitong coffee shop at sigurado ako na di ako basta makikita dito kung sakali mang iiyak ako.

Why do I even missed her this much despite of what she had done!

Why did I love her?

What is freaking wrong with me?

A jobless bummer.

A tourist..

Why her.. Why do I love you, Dallas.

Nanlabo na ang mga mata ko at tumulo ang luha sa kape na wala ng init at hindi ko pa nagagalaw mula kanina nong binili ko iyon.

Hinanap kaya nya ako? Paano niya ako nagawang lokohin? Ganon na ba sya kadesperada sa law firm nya? Itong ex nya tinake ang opportunity.

I have seen enough evidences.

Pero bakit ayaw kong maniwala.

Ayaw ko siyang makita..

Dahil sa oras na makita ko siya ay siya namang pagtraydor sa akin ng puso ko.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.

"What she slapped you?!" amused na sabi ng babae na kararating lang at sa bandang malapit sa akin nakapwesto.

Nakatalikod ako sa kanila pero rinig na rinig ko ang usapan nila.

"I really thought that she is just playing hard to get. She only approach for me for business." iritang sagot sa kanya ng babae na kausap. "I kissed her so many times and she keeps pushing me and telling me she has a girlfriend."

"For real???" manghang bulalas ng kausap nya. "Despite that you and her had another relationship, you've been seeing and fcking each other, friends with benefits." natatawang dugtong ng kausap nya.

"I do not know what she had seen on that hobbit girl!" medyo napataas pa ang boses. "I really can't believe it."

"What I can't believe is she slapped you. I guess, she really likes the new girl."

"Damn that Dallas! She'll never gets that building! That night, I really thought that we will be back together, I seduced her.. I was thinking she won't be able to resist me. We're almost there, I made her drank. She called that girls name." gigil nyang sabi." she came back to her senses and left me. Its bullshit!"

Natawa naman sa kanya ang kasama nya.

Siya ba yong babae kahapon? Si Dallas ba na kilala ko ang pinag uusapan nila?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sakali na si Dallas nga ang pinag uusapan nila.

Sa kabilang banda, it is all about the business. Sineseduce nya so Dallas at nilasing. Nanlaban siya.

But still, they kissed so many times.

I put my earphones and listened to random music. I want to clear my mind.

As I Thought So (Dallas and Mazee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon