It took me few days before I finally get all my courage.
Natatakot ako sa totoo lang at kinakabahan. Hindi ko alam paano ko siya lalapitan, pero walang mangyayari kung wala akong gagawin.
Nang makabalik ako ng Manila, tinawagan ko agad si Cleo at Beatrice. Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ang mga kaibigan ko. Sobrang laking pasa salamat ko sa dalawang iyon. May nakapitan ako sa oras na lugmok na lugmok ako.
Hawak ang voice recorder journal ko. Binuksan ko ito para e-record ang araw na ito. Ito ang parang diary ko. Simula nong sinuwerte ako, nasa akin na ito. Dito ko rin nilalabas ang mga hinaing at happiness ko.
"It's been a while." panimula ko. "Malapit na ako ako sa New York. Three hours nalang."
Halata pa ang panginginig ng boses ko sa kaba. Sa totoo lang medyo pinagalitan ako nila Cleo at Beatrice pero di rin daw nila ako masisi si at baka kung sila daw ang nasa kalagayan ko ay gawin nila.
Medyo naiinis pa si Beatrice kasi daw ang bilis lang akong pinalitan ni Dallas. Pero sabi ni Cleo, baka escape goat lang daw yon ni Dallas.
Pinagtulakan nila akong bumalik dito sa New York. Gusto ko silang isama pero pinagtawanan lang nila ako.
At ito na nga.. Andito na ako sa New York. Halos nabibingi na ako sa kaba. Sana maging maayos ang pag uusap namin. Gusto ko na siyang makausap,gusto ko na siyang makita.
Agad akong nakakuha ng taxi at nagpa hatid sa hotel na binook ko ng 3 days. Di ito kala yuan sa tinitirahan ni Dallas. Saglit lang akong nagpahinga dahil gusto ko na siyang puntahan. Tiningnan ko ang sarili sa salami. Maayos naman ang itsura ko.
Nag madali na akong pumunta sa unit niya. Hindi ko malaman kung kakatok ako o hindi. Sobrang kabang kaba na ako.
"Andito na ako. Wala ng atrasan to." kumatok ako pero walang sumasagot. Maghintay pa ako ng ilang saglit at kumatok uli. Siguro nasa sampung minuto na nang bumukas ito.
"Hey, I thought you have a key.." na tigilan ito nang ako ang makita. Pamilyar siya, nakatapis lang siya at may sabon pa sa katawan.
"Oh Hi?" alangang bati nito. "Are you looking for someone?" tanong nya. Alam ko nakita ko na siya pero di ko maalala. Baka siya na yong bagong gf nya. Para nanamang sinaksak ang puso ko.
"Sorry, I might be in a wrong unit." nahihiyang sabi ko. Kunot noo naman siya g tumingin sa akin.
"Are you sure?" tanong niya.
"Sorry for bothering you." sabi ko at tumalikod na.
'Oh okay" yon lang ang sagot niya. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas.
Mali ba ako ng unit na napuntahan. Pero ito lang ang unit sa side na ito ng fifth floor. Para akong lutang na nag lalakad hanggang makasakay sa elevator. Pagbaba ko sa may lobby ng apartment ay para akong nanghihina. Nahihilo na rin ako dahil sa byahe.
Nang mapatingin ako sa unahan.. Nakita ko siya. Walang pinagbago ang itsura nya, yong tindig at tikas nya. Ang porma nya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang tagal ko siyang di nakita at miss na miss ko siya. Nakakalungkot na hindi na siya sa akin. Lumakad lang siya na di ko makita ang expression nya. Para siyang nakapoker face. Naka white t-shirt siya, maong pants at sneakers. Nakatali ang buhok nya. May dala siyang paper bag sa kaliwang braso.
Para akong natataranta at di ko alam paano ko siya babatiin.
Should I say Hi?????
Magsasalita na sana ako pero nilagpasan nya lang ako. Parang gumuho ang mundo ko. Naalala ko ang sinabi ni Cleo.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomantikThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...