Dumating na ang araw ng event na sinasabi ni Robbie. Kay Robbie na sasakyan ang ginamit namin papunta sa event.
Masquerade all girls party ito. Sa totoo lang nakakamangha ang venue.
Red, black and gold ang combination ng kulay. Maraming mga naka dress at di rin mawawala ang mga naka tux. Bagay sa kanila ang suot nila. Sigurado na sobrang gaganda din nila sa kabila ng suot na mga mask.
Pagkapasok namin ay may agad na sumalubong kay Robbie at niyakap sya.
"Finally, you're here!" saka sya hinalikan sa labi.
"Hi, Alexi! Nice seeing you again." nakangiti nyang sabi at saka bumeso kay Alexi.
"Nice seeing you too." sagot naman ni Alexi. "By the way, this is Mazee. Mazee, she's Heather."
"Hi." medyo nahihiya kong sabi. Ngumiti sya sa akin saka dumukwang ng yakap at saka bumeso. Nabigla nalang ako sa ginawa nya.
"Yeah, Robbie tells me a lot about you. I am glad you guys came!" excited nyang sabi.
"of course, we won't missed your event!" masayang sagot naman ni Robbie.
"Let the party begin!" excited na bulalas ni Heather. Hinila na nya kami sa loob ng event.
May dance floor at stage para sa kanta. May mga food sa paligid. Magagarang lamesa at upuan. Isa talagang perfect na set up for party. May bar counter din at mga waitress na nag seserve ng alak.
Kahit ang mga waitress ay elegante ang suot at naka mask din.
Maraming ganap din sa event. Maraming mga kumakanta at nag sasayaw.
Ilang oras na kaming andito at na eenjoy ko. Marami din kaming napagkukwentuhan. Kahit paano, nakakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko kay Liam.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Minsan nag aagam agam ako na baka nag ooverthink lang ako. Pero 1sang buwan na.
Matapos ko yong malaman, hindi man lang sya umuwi. Para wala syang plano na bumalik.
Ano lang ba ako sa kanya?
Bakit pa sya dumating sa buhay ko? Akala ko okay na relasyon namin.
"Guys, I have an emergency." biglang sabi ni Alexi. "I need to go." para syang natataranta.
"Here. Take the car." sabay abot ni Robbie ng susi sa kanya. Nag alangan naman si Alexi na kunin at agad na napansin ni Robbie. "Don't worry, either we will take a cab or Heather will give us a ride. We'll be fine." nakangiti nyang sabi.
"Okay, thanks. Make sure to look after Mazee. Bring her home safe and sound or I'll kill you." birong banta nya kay Robbie.
"Ofcourse, do not worry. Go now! That's urgent." taboy ni Robbie sa kanya.
"Mazee, take care okay." malambing nyang sabi sakin at humalik sa pisngi ko saka nagmadaling lumabas.
Ano kayang problema ni Alexi? Saglit pa kaming nag usap usap at may mga ilang kaibigan si Robbie na pinakilala sakin.
Saglit pa ay nag paalam syang mag cr. Napapatulala talaga ako kapag mag isa. Di ko maiwasang mag isip ng kung anu ano.
Nahihirapan akong unawain ang lahat ngayon. Mahal ko si Liam. Gusto ko pa ring marinig ang explanation nya. Gusto ko ng closure.
Halos sumakit ang ulo ko sa pag iisip kaya naisipan ko na pumunta sa cr. Pero hindi na ako natuloy dahil halos puro nag hahalikan ang nadadaanan ko. Natanaw ko rin si Heather at Robbie na ganon din ang ginagawa. Napapailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
As I Thought So (Dallas and Mazee)
RomansThis will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My name is Mazee and I am the lucky girl! I bring luck to people around me and thats why they kept me o...