Sixty Nine

1.2K 34 3
                                        

Yana' POV

Ang kasayahan na naramdaman ko ay bigla na lang nawala at napalitan ng takot at galit nang makita ko muli siya. 

Hindi ko inaasahan na ngayon pa siya magpapakita.

Napakadilim ng ekspresyon ng mukha niya, para ba magagawa niyang makapatay. Mas lalo pa ako natakot nang makita ko ang baril na hawak niya. Gusto ko magtago, tumakbo pero parang napako na ata ang mga paa ko dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko din maalis ang tingin ko sa baril na hawak niya na nakatutok sa amin. 

Isang maling galaw lang namin,malamang baka iputok niya iyon. 

"Buti nagpakita ka na din"  madiin na sabi ni Mira

"Masyado mo na kami pinapahirapan na maghanap sayong siraulo ka!"  dagdag niya

Ngumisi na naman si PJ at ikinasa na naman ang baril niya.

"Wow hindi naman halata na namiss mo ako?" sarkastikong sabi ni PJ

Hinawakan ni Mira ng mahigpit ang kamay ko, na para ba sinisigurado niya na magiging maayos lang ang lahat. 

"Ano magtititigan na lang tayo dito?!"  Sigaw ni PJ, bago ipinutok ang baril niya na nakatutok sa taas, sa ere. 

Hinila ako papasok ni Mira sa kwarto ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Dito ka lang, ako na ang bahala sa kaniya. Magiging maayos din ang lahat" malambing niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko. 

Nagsimula na mamuo sa mata ko ang mga luha . Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko sa pag-iyak. 

Hindi pwede na dito lang ako, naghihintay at nakatunganga. Dapat nasa tabi ako ni Mira ngayon, sinasamahan siya. 

Pinahid ko ang mga luha ko saka nagmadaling lumabas ng kwarto ko. 

Nang makita ko si mama, ay nababalot ang mukha niya ng galit at pangangamba.

"Y-yana dito ka lang"  Pagpigil sa akin ni mama pero hindi ko siya pinansin. 

Palabas pa lang ako pero rinig na rinig ko na ang sigawan ng dalawa. 

"Hayop ka inagaw mo sa akin si Yana!"  Sigaw ni PJ

"Hindi sayo si Yana, at kahit kailan ay hindi siya naging sayo!"  Sigaw ni Mira sa kaniya

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon