Forty Eight

2.2K 21 1
                                    

Yana's POV

"Magtigil ka jan Mira!"   

"Eeehh?"  

Jusko po! Mas lalo pa ata siya kumulit. Ugh! Nakakaasar na. 

"Sabi mo mahal mo din ako, so ano na tayo?"   

Aargh!  Paulit-ulit na lang siya sa tanong na to, nakakarindi na.

"Ligawan mo muna ako!"  Hmp! Kaasar.

"Huh? Grabe naman, kulang pa ba yun effort ko?"  

"Oo!"   At pinabitbit ko sa kaniya yun mga libro ko. 

 Nakakatuwa talaga siya pagtripan. Priceless yun reaction niya.

Sa ngayon, wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon uhm I mean ayoko magmadali. Okay na muna yun ganito kami. Ayoko tawaging M.U. kami kasi ang corny at isa pa hindi bagay. Much better kung walang label. 

Hindi ko din talaga inaasahan na ganito, yun mahuhulog din pala ako sa kaniya. Right from the start, hindi talaga pumasok sa isip ko na mamahalin ko din pala itong stupid na to at hindi ko din ineexpect na may chance pala na mahalin niya din ako. 

 Nakakatawa, akala ko last na yun kay Cyd pero heto na naman, sa kapwa babae ko na naman ako nahulog. To be honest, hindi ko ginusto ito. Hindi naman sa ayaw ko sa mga ganito klaseng relasyon or sexuality, pero hindi ko inaasahan na mapapabilang din pala ako.  

Wala na akong magagawa kundi tanggapin ito. Sabi nga nila, bago ka tanggapin ng iba, dapat matuto ka muna tanggapin ang iyong sarili. Ang pinoproblema ko lang ay paano ko sasabihin kay mama. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Alam kong mabait siya pero hindi ko alam kung matatanggap niya na ganito ako.  

"Ang lalim naman ng iniisip mo"   

Tinignan ko siya, gusto ko itanong sa kaniya kung paano siya umamin sa pamilya niya at kung paano siya natanggap ng mga ito pero wala akong lakas ng loob para magtanong.

"Makatitig ah"  

"Nakakaasar kasi yan mukha mo!"  sagot ko

"Sus! Mahal mo naman"  bulong niya pero narinig ko din naman.

Napapangiti na lang ako sa isip ko dahil sa stupid na ito. 

Pero...

Bago ako pumasok sa ganito klaseng relasyon, gusto ko muna maging open kay mama at sa ilan kong mga kaibigan . Ayaw ko na may tinatago lalo na pagdating sa mga ganitong bagay. Ang hirap kasi kung palihim at patago ang relasyon na pinasok mo. 

"Sungit uuwe pala ako kanila mama ngayon"   Wow kailangan mag paalam?

"Oh tapos?"   

"Wala lang sinabi ko lang"   Aww, hahaha ang cute talaga  niya kapag tinatabla ko siya. 

"Joke lang! So kelan balik mo?"  natatawa ko tanong

"Tss ewan"   

"Oh tampo ka na niyan?"  tanong ko 

Pero inirapan lang ako ng bruha.

"Hey pikon"  pang-aasar ko

"HMP!"

    Wala talaga sa sistema ko ang magpaka-sweet. Hindi din kasi bagay sa akin, yun para ba kikilabutan yun tao na yun kapag nakita akong sweet. 

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon