MIRA'S POV
9am palang ay pumunta na agad ako ng mall, inantay ko talaga to magbukas para makabili agad ako ng regalo para kay Yana. Kasi naman yun lokong yun di man lang sinabi na birthday niya pala ngayon, kung di ko pa narinig kay Alec ay hindi ko malalaman, kahiya naman kung wala akong regalo sa kaniya.
Pero hindi ko alam ang gusto niya o kaya yun mga hilig niya, tsss yan tuloy hirap ako maghanap ng ireregalo ko -_-
Kung pwede lang magtanong sa kaniya baka kanina ko pa ginawa. DUH halos isang oras na ata ako naglilibot dito sa mall para lang makahanap ng regalo sa kaniya kaso wala pa din.
Aargh sakit na ng paa ko ah!
Hmmmm gusto ko rin kasi kapag niregalohan ko siya ay palagi niyang gagamitin o kaya susuotin pero di ko talaga alam TSSS.
Naglibot-libot pa ako at ng napadaan ako sa isang jewelryshop.
AHA! Alam ko na!
"Uhm miss eto nga po" turo ko dun sa silver na infinity ring
Hmm wala lang trip ko lang yun piliin ang ganda kasi eh.
"Then paukitan ng "Je vous aime" sa loob" dagdag ko
"Sige po, pero mga 20-30 mins. pa matatapos"
"Uhmm sige i'll wait"
Hay di ko na talaga alam ang ireregalo kaya yun infinity ring na lang; cute naman eh hmmm simple but elegant yun dating ng ring.
Onemessagereceived
From: Witch
On the way na ko, gusto ko pagdating ko ay anjan kana dahil AYOKO MAGHINTAY! See yah ;)
Aish! Kahit kelan talaga to oh!
To:Witch
Mga ilang mins. ka pa bago dumating?
Hay 20 mins. pa yun matatapos eh.
From: Witch
Malay ko, basta malapit na ko.
Aish! Grabe!
"Uhmm miss matatapos na ba yun?"
"Mga 15 mins. pa po"
*sigh* bahala na, bahala siya mag-hintay dun..
13 mins.
10 mins.
8 mins.
1messagereceived
From: Witch
Hoy nasaan ka na ba? Diba sabi ko ayokong pinaghihintay ako, tssss dalian mo -_-
Hala! Paano na yan? Mukhang nabuburaot na siya dun
TO: Witch
Wait lang mga five mins. pa may hinihintay lang ako
SEND..
"Uhm miss matatapos na ba?" tanong ko.
Tsss di na ako mapakali dito sa kinauupuan ko paano ba naman kasi nagiging dragona na yun isa dun -_-
"Malapit na po mam"
Aish, malapit? eh bakit parang antagal naman nun.
1messagereceived
From: Witch
Hoy nakakapagod na mag-hintay!
Hala mukhang galit na galit na siya.
