Cyd's POV
Tapos na yun 3days "date" namin ni Yana, pero sa tingin ko hindi na date yun; parang bestfriends bonding na lang. Kung saan-saan lang kami pumunta, nag-arcade,kumain tapos kumain na naman. Basta pagmagkasama kami hindi pwede mawala ang arcade & foods, buhay na namin yun hahah CHOS.
"Cyd!"
Nilingon ko kung sino yun tumawag sakin, si Ali lang pala.
"Hey!" bati ko
"Sabi na nga ba ,andito ka lang" Hala, hingal na hingal si ate?
By the way nandito nga pala ako sa track field, madalas na ako dito kasi wala naman masyadong tao.
"Hinahanap mo ko?" tanong ko
"Yup, ibabalik ko na tong panyo mo, pasensya na kung ngayon ko lang nabalik yan, busy sa projects eh."
"Ah!" at tumango-tango lang ako
Akala ko aalis na siya pero umupo na din siya sa tabi ko.
Hmmm kumusta na kaya siya? Medyo okay na kaya siya?
"Musta?" tanong ko sa kaniya
"Hmm, ayos naman, medyo okay?"
"Hahaha bakit hindi ka sure?"
"Malamang hindi pa rin nakakamove on!" sarkastiko niyang sabi
Wow,taray. Kaloka!
"Hahaha nga naman"
"Tsss taray" dagdag ko pero pabulong lang
"Anong sabi mo?"
Ang lakas naman ng pandinig nito -_-
"hahaha may sinabi ba ko? Kaloka ka ah, kung anu-ano naririnig mo!"
"Tsss!"
Ganito ba talaga pag-sawi? Hahaha daig pa ang may dalaw sa katarayan.
"Hey may class ka pa?" tanong ko; kasi naman eh ang aga natapos ng klase namin; kaya eto ako ngayon nganga.
"Hmmm, meron pero last na yun, kasi nasa seminar yun mga prof. namin iba"
"Gala tayo?" tuwang-tuwa kong tanong
Sana pumayag ka , pumayag ka. Mababaliw na ko sa kaboringan ito.
"Hmmm, sige?"
"Hah? di ka sure?" tanong ko
"Uhmm, sige na nga, kesa naman tumunganga lang ako mamaya"
Yes!Hahaha
"Hahaha sige hintayin na lang kita dito" sabi ko
"Uhm, sige una na ko . Puntahan na lang kita mamaya dito" paalam niya
"Seeyou" paaalam ko
Hay 1hour akong tunganga, 1hour akong nganga. -_-
Kasi naman may mga klase din ang mga mababait kong kaibigan. *sigh*
Hay what to do? What to do?
Geez this boredom is killing me!
Habang kinakalkal ko tong bag ko ay biglang may nalaglag na sobre, hmmm ano naman to?
Pagkabukas ko ng sobre ay bumungad yun picture namin ni Yana nung elementary kami, magkayakap kami at sa tingin ko mga grade 3 pa kami nun. Hahaha ang taba niya pa dito.
Geez naalala ko na, pinadevelop ko pala yun mga picture namin para sa scrapbook ko.
Ang tagal na nito pero ngayon ko lang naisipan ipadevelop hahaha.
