Yana's POV
Nandidiri ako.
Nandidiri ako sa sarili ko. Wala na, wala na.
Kahit anong paligo ko ay wala na, hindi ko na maalis, hindi ko na mababago ang nangyari.Sa tuwing naalala ko ang nangyari ay naiinis ako, nagagalit ako. Ayaw ko na siya makita, gusto ko na siya mawala.
Pinagkatiwalaan ko siya, pero ano ang ginawa niya?
Sinira niya iyon, inabuso niya.Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito. Sa tingin ko kulang pa ang mga sipa't suntok para sa ginawa niya.
"Yana nakikinig ka ba?" tanong sa akin ni Mama
Hindi pa pala niya alam, wala pa siyang alam sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakakaramdam ng inis, galit kay mama.
Imbis na sumagot ako ay nagpatuloy pa rin ako sa pagkain. Wala akong gana makipag-usap kahit kanino ngayon.
"Yana may problema ba?" tanong ulit ni mama.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin sa kaniya. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya?
"Kumusta nga pala kayo ni PJ?" Magiliw na tanong niya
PJ! PJ naman!
Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay labis na galit ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ni mama si PJ.
"Ma tumigil ka na. Wag mo na ako ipagtulakan sa kaniya" kalmado kong sabi
"Yana, kung ipipilit mo nanaman ang relasyon niyo ni Mi---"
"MA! Sa tingin mo ba may magandang nangyayari sa pagpupumilit mo kay PJ sa akin?"
"Masmabuti na makipagrelasyon ka kay PJ, wag lang sa kapwa babae mo!"
Nakakainis bakit ba hindi niya ako maintindihan?
Ano ba ang mali?!
"MA! Hindi mo alam na mas naging miserable pa ang buhay ko sa lalaking iyon. Kung alam mo lang..."
"Ano ba ang pinagsasabi mo ha---"
