MIRA’S POV
Lumabas muna ako ng bar kasi hindi ako komportable sa loob, ayoko ng masyadong maingay.
*Sigh* Hindi pa rin ako sanay na wala si Chloe, wala man lang kahit anong communication
“Hey”
Hindi ko pinansin yun nagsalita baka kasi hindi ako yun tinatawag
“Stupid”
Hay naku si witch lang pala
“Bakit ka nandito sa labas?” tanong niya
“Ayoko sa loob, masyadong maingay”
“Malamang maingay talaga dun kasi bar yun hindi simbahan”
Nga naman pero basta ayoko pa rin dun
“Hahaha ang liit ng mundo talaga, di ko ine-expect na pinsan mo ang friend ko”
“Ah, anong nakakatawa ?”
“Tssss wala”
Nanahimik na lang ako kasi wala naman din akong maisip na sabihin at isa pa wala nga ako sa mood
“Hoy ang tahimik mo” at siniko niya ako
Ano bang meron dito parang trip niya ako kausapin ngayon
“hey”
“Oh?”
“Ano ba problema mo at ang tahimik mo? Hmmm at WAIT namumugto yang mata mo!”
Ano ba ito ang daming napapansin tssss
“Bakit?” she asked
“Its none of your business” pagtataray ko
“Hmp, Taray!”
Ano bang meron dito at pinagtitiyagaan ako kausapin
“Bakit ka ba nandito?” I asked
“ Bakit masama? Ikaw lang ba ang may karapatan dito?!”
“Paano kung sinabi ko OO?!”
“Edi dito pa rin ako dahil hindi to SAYO NOH!”
“Tssss, diba sabi ko ayoko nang makasama ka!”
“Ayoko rin naman makasama ka noh, eh sa ito lang yun matinong lugar dito ngayon” with matching taas pa ng isang kilay
“Bahala ka!”
Nakakainis bakit ba sa tuwing senti mode ako ay nanggugulo to. Duh, ano nananadya?
Habang nakatingin ako sa malayo ay may nahagip ang mata ko na hindi kaaya-aya.
Tinitigan ko mabuti kung sino ang mga yun at SHIT! Si Chloe kalampungan ang isang lalake,tssss mga immoral dito pa napili maglandian!
Pinipilit ko alisin ang tingin ko sa kanila pero hindi ko magawa parang na-stuck na. Damn, ang sakit ,ayoko na BWISIT! She’s tearing me apart, Siguro ayun na yung pinalit niya sakin? At parang ilang araw lang kami hindi nagkikita ay parang may nagbago na sa kaniya, the way she dressed ay nagbago na at ang kapal na niya mag-make up. Hindi naman siya nag-susuot ng mga daring na damit na halos labas-labas na ang kaluluwa pero ngayon DAMN! Ano ba klase lalake yun di man lang pagbawalan, I guess he only want is Chloe’s body not really si Chloe. Tssss tama na, itigil niyo na yan.
Gusto ko sumigaw na itigil na nila pero hindi ko kaya dahil bawal.
“Hey bakit ka umiiyak?”
