Fifty Six

1.5K 23 3
                                    

Yana’s POV

“Tanggalin mo yan kamay mo!”

Isang impit na tawa lang ang narinig ko at nakatakip pa rin sa mga mata ko ang kamay niya.

“Isa! Tanggalin mo na”  utos ko

Pero hindi niya pa din tinanggal

Nakakainis, ngayon lang siya nagparamdam makalipas ng tatlong araw. Hindi ko man lang alam kung na saan siya at kung ano ang nangyari sa kaniya, hindi man lang siya nagtext o tumawag.

“Tanggalin mo na yan” 

Tumawa pa rin siya pero tinanggal na niya ang mga kamay niya na nakatakip sa mga mata ko.  Hindi ko inaasahan na dadampi ang mga labi niya sa gilid ng labi ko bago umupo sa tabi ko. Nandito kami sa room at malamang may nakakita ng ginawa niya.

“Ang aga-aga ang init na naman ng ulo mo”  Natatawa niyang sabi

“Tss sa tingin mo bakit ganito ang mood ko?”  Pagtataray ko

“Hmm hey sorry na”  Paglalambing niya

Pero sorry na lang siya dahil hindi tumalab iyon sa akin, naiinis pa rin ako sa kaniya.

“Sorry” 

Hindi ko siya pinansin at nagkunwari na abala ako sa pagbabasa ng notes ko.

Lumapit  siya sa akin at aakma na hahalikan na naman ako pero umiwas ako kaya sa pisngi ko lang dumampi ang mga labi niya.

“Wala pa tayong isang lingo , inaaway mo na agad ako”  Pagtatampo niya pero dedma pa rin ako.

Hindi man lang niya naisip na magpaliwanag muna para hindi ako nainiis ng ganito at hindi man lang niya naisip na nasa room kami kaya malamang may nakakakita ng mga pinaggagawa niya, medyo PDA siya.

Maslalo siya lumapit sa akin at aakma na naman na parang hahalikan ako pero…

“I love you”  bulong niya sa akin.

Simpleng mga salita pero kakaiba ang epekto sa akin. Bahagya akong yumuko at umiwas ng tingin sa kaniya kasi pakiramdam ko pulang-pula na naman ang pisngi ko.

“Sorry, babawi ako sayo ngayon”  Paglalambing niya.

-----------------

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon