Mira's POV
Unexpected! Di ko talaga inaasahan yun.
Flashback
Nandito ako ngayon sa swing malapit sa seafood resto ng resort. Dito kasi gusto ni Chloe na mag-usap kami; ewan ko ba dun eh pwede naman sa text na lang.
*Sigh* Medyo kinakabahan tuloy ako sa kung anong pag-uusapan namin.
"Mira" Hay speaking of, andito na siya.
"Oh hi" bati ko at umupo na siya sa katabing swing.
"Uhm kumain kana?" tanong niya
"Yup! Ay ano nga pala yun pag-uusapan natin?" sabi ko
Nakita ko na parang kinabahan siya then huminga siya ng malalim bago magsalita
"Uhm Mira hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, I-iwant you to know th-that I still love you. I love you Mira walang pinagbago yun pa rin yun nararamdaman ko sayo!" I saw sincerity in her eyes. Pero heto ako bigla na lang nanlamig, hindi ko talaga alam ang isasagot ko.
"Sorry! Sorry if I leave you hanging, I-im just confuse that time, bigla na lang kasi pumasok sa isip ko na gusto ko magkaroon ng sariling pamilya someday, yun galing sakin, pero I realized na what's the sense of having my own family when i'm not with you, my hapiness. I know this is insane, pero i'm begging you to give me another chance and this time hindi ko na sisirain yun. Mira I love you, mahal na mahal kita" hindi ako makapaniwala sa bawat katagang binibitawan niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko? o maiinis?
Nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa mga naririnig ko!
*gulp*
"Ch-chloe, sana naisip mo yan bago ako iwan. At shit naman oh, naconfuse? ikaw? so ibig sabihin right from the start hindi ka pa sigurado sakin" i tried to stay calm habang sinasabi ang mga katagang yan at hindi ko inaasahan na iiyak siya.
Bakit siya ang umiiyak? eh ako ang nasaktan dito, ako ang iniwan!
At isa pa, What the heck! Anong klaseng dahilan yun? Sa tingin niya ba ganun-ganun na lang yun?
Mang-iiwan siya ng walang maayos na paalam tapos babalik siya kung kelan gusto niya, Damn!
"So-sorry... Baby I love you, I do really love you! You're my everything , please come back to me. Nagsisisi na ko.. please baby i-ilove you" she said while crying
Hindi ko alam ang isasagot. Ewan ko ba pero bigla na lang ako natameme dito habang pinagmamasdan siya umiyak at nagmamakaawa.
Sorry at Iloveyou, yan lang ang naririnig ko sa kaniya. Pinipilit ko hanapin yun spark na nararamdaman everytime she says that word pero wala.
Wala man lang akong maramdamang love towards her. Awa, tanging awa na lang ang nararamdaman cuz she's begging while crying at nakaluhod pa siya ngayon sa harap ko.
Ano bang nagawa ko at napaiyak ko siya ng ganito? Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito nagmamakaawa at grabe pa ang iyak. Para bang ako ang may kasalanan right from the start. Damn bakit ramdam ko na masnasasaktan pa siya kesa sakin? Ang gulo, napakagulo!
"Chloe tahan na, tama" then I hug her tight
"May mga bagay talaga na hindi na pwede ibalik sa dati, pero pwede naman tayong maging magkaibigan ulit. Friendship, yun na lang ang kaya kong ibigay sayo" pagkatapos ko sabihin yun ay maslalo pa siyang umiyak
