Nineteen

3.7K 30 0
                                        

Mira's POV

Pfftt! Hahaha nakakatawa yun reaction ni Yana, ANG EPIC! Takot na takot hahhaha!

Buti na lang magaling ako magpigil ng tawa wahahaha! GRABE takot na takot na siya. Pero infairness ang sakit na ng tiyan ko kakapigil.

Actually shortcut itong dinadaanan namin papunta sa bahay namin.

Dito ko trip dumaan ngayon para masmabilis. Dapat talaga hanggang 7/11 lang ako pero bigla ko na lang naisip na umuwi. Bigla ko na lang namiss sila mama eh at isa pa mas masarap ang pagkain sa bahay.

Malayo talaga ang bahay namin sa school  ko. Biruin mo shortcut na itong dinadaanan namin pero matagal pa rin ang biyahe.

Mga 3mins. na lang ay nandun na kami at bigla na lang nakatulog dito si Yana. Hahaha kawawa naman. Wala eh, kung hindi siya nagreact ng ganun edi sana hindi ko siya mapagtritripan at isa pa ngayon ko lang siya nakitang ganun, ang epic di ko talaga ineexpect yun. Biruin mo sa sobrang sungit nito ay may kaduwagan din palang tinatago.

Hay atlast, nandito na din kami!

"Hmmm,Yana gising na!"

"Huy gising na!"

Pinopoke ko na yun pisngi niya pero wala pa rin.

"YANA!"  ang hirap naman kasi gisingin nito kaya sinigawan ko na lang sa tenga

At PAK! Aruy! Nasampal ako!

"Nasaan tayo?!" medyo pasigaw niyang tanong

Ouch ang sakit ng sampal niya!

"Nandito tayo sa bahay" sabi ko habang hawak ang pisngi na sinampal niya. Ang sakit kaya!

"Hah? Ba-bahay?"

"Pffft! Hahahahah akala mo kung saan na kita dadalhin noh? Hahahaha paranoid mo!"   Grabe di ko maipinta yun mukha niya parang inis na inis na nahihiya na ewan!

"Nakakainis ka! BWISET!"  at pinaghahampas na niya ako. Grabe ah, nakakadami na ito.

"Hey ti-tigil, hahaha tigil na. Ouch!"  pinagsasalag ko na yun kamay ko kasi sakit talaga. Napaghahalataan na amasona to!

"Hmp! Nakakainis ka! Tinakot-takot mo pa ko, CHE!" then bumaba na siya ng kotse. Hahaha priceless ang reaction niya, dapat pala vinideohan ko.

"Hey!" pero hindi na niya ako pinapansin

"Huy sorry na. Kung hindi ka sana nagreact ng ganun edi sana hindi kita pagtritripan pfft hahaha, ang epic eh!"

"Ah so kasalan ko pa? Edi ba sabi mo dadaan lang tayo sa 7/11? Eh bakit dito mo ko dinala? at isa pa diba dapat  dun tayo sa apartment mo gagawa! Tsss sino bang hindi matatakot eh ang creepy ng dinadaanan natin! HMP!"    then inirapan niya ako. Lagot mukhang napasobra ata ako.

"Hahaha sorry na. Shortcut yung dinaanan natin sadyang malayo lang talaga itong bahay namin!"

"Hmp,ewan! Nakakainis ka!"

"Sorry na! Tara , pasok na tayo"   Hindi ko na siya hinintay pa sumagot kaya hinila ko na yun kamay niya.

Ding dong

Ding dong

Ding dong

Ding dong

"Ate!" bungad sakin nung kambal. 4yrs. old pa lang sila at parehas babae. Si Mia at Eira.

"Hi, namiss ko kayo!" at niyakap ko sila ng sobrang higpit.

"Miss you too Ate!" sabay na sabi nung kambal then pinaghahalikan ako sa pisngi.

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon