Fifty Eight

1.2K 29 2
                                        

Mira's  POV

"Yana may problema ba?"  tanong ko sa kaniya. 

"Hmm wala"  Malumanay na sagot niya

"Ah eh baki-"  Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang sumingit

"Bakit masama ba yakapin ka?"  Mataray niyang tanong

"Hah? eh kasi uhm aware ka naman siguro na hindi lang tayo ang tao dito sa field?"   

"Alam ko yun, bakit ayaw mo?!"   Bigla na lang siya bumitaw at sa tingin ko ay nagtatampo to.

"Hindi naman, akala ko ba ayaw mo ng PDA nakakapanibago lang kasi"   sagot ko then niyakap ko siya.

Nawala na ako sa mood mag-aral dahil sa paglalambing niya.

"Hmm ano ba gusto mo?"  Tanong ko sa kaniya

"Tss kanina ka pa kasi busy jan, nakakapanibago lang na nag-aaral ka"  

Nanlalambing ba talaga siya o nang-aasar?  Sa tingin niya ba hindi ako nag-aaral? -__-

"Ah so ganun ba talaga ako katamad sa paningin mo?"  tanong ko

"Medyo"  Natatawa niyang sagot

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya saka pinagkukurot siya sa tagiliran.

"Aray ko Mira!"

"Tamad pala hah!"

"Isa! T--umigil ka na! Tss aray!" 

Nakakainis to! 

"Bahala ka nga jan!"  

Tinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa binabasa ko tutal wala naman itong ginawa kundi kutsain o laitin ako.

 "Joke lang"  Malambing niyang sabi

Niyakap niya ako mula sa likod at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. 

Nakikiliti ako sa ginagawa niya, nagsasalita siya na malapit ang bibig niya sa tainga ko. Kaya yan tuloy, hindi ko masyado maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Nakakakiliti na ewan. 

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon