Thirty

3.3K 21 1
                                    

Yana's POV

3rd day of vacation here in Cebu at sa pagkakaalam ko 10 days na lang kami dito kasi magtetake pa daw ng summerclass yun iba, tsss mga panira talaga ng bakasyon -_-

*****

*Sigh* My heart beats twice sa tuwing kasama ko siya.

I don't know why, basta bigla ko na lang to nararamdaman everytime na magkasama kami. Lalo na yun nahawakan ko yun kamay niya. Nagulat na lang din ako sa ginawa ko nun basta parang ayaw ko pang bitawan ang kamay niya ng mga time na yun. 

I never felt this feeling before kahit na kay Cyd, basta ang WEIRD yun lang ang masasabi ko and I hate to admit it pero there's a little part of me na parang gusto pa yun nararamdaman ko. 

Hay ang gulo, kahit ako hindi maintindihan ang sarili ko.

"HOY!"  tsss speaking of, eto na naman siya guguluhin ang buhay ko.

Hahah nice try, gugulatin pa ako ah.

"Ay! Di ka man lang nagulat :("   then nagpout siya.

Dug Dug Dug

Dug Dug Dug

Dug Dug Dug

Eto na naman siya, parang may nagwawala na naman sa dibdib ko.

Aargh! Ano ba itong ginagawa mo sakin Mira? Kakaiba namang torture to!

*Sigh*

"Lalim naman nun, may problema ba?" tanong niya 

Oo meron, ginugulo mo isip ko!  Sabi ko na lang sa isip ko

"Wala" simple kong tugon

"Liar!" sabi niya

"Bakit ka ba nandito? Magswimming kana lang dun!"  sabi ko sa kaniya. 

Hindi naman sa tinataboy ko siya pero wala lang ako sa mood ngayon to deal with her. 

"Sungit! Ayaw mo ba akong kasama?"   tampo-tampohan niyang sabi

"Ayaw!"  sagot ko; ginugulo mo lang isip ko.

"Di wag!" she said in a childish way.

Pero nag-stay pa rin siya dito sa tabi ko, dito sa may cottage.

Hmmm, napapansin ko lang, hindi na kami masyadong nagtatalo, di tulad  dati na konting pagsusungit ko lang sa kaniya papatulan na niya agad ako pero ngayon iba na; parang balewala na lang yun mga pagsusungit o di kaya pagtataray na ginagawa ko sa kaniya. Nakasanayan na ata niya, pero ang di pa rin nawawala ay yun pangbubwiset niya sakin -_- Asa naman akong tumigil to sa pangbubwiset sakin, hobby na niya ata yun.

"Yana sungit!"

"Yana mataray!"

"Yana monster"

Geez! Speaking of, eto na naman po siya; nagsisimulang mang-inis na naman.

Hmp! Bahala siya jan.

"Masungit, Masungit, Masungit, Masungit'  tss isip bata talaga to

"Sungit, sungit, sungit"   then she starts to poke my cheeks. Ugh! Wala talaga tong magawa sa buhay!

"Titigil ka o titigil?"  then I glared at her

"Pssh!"  titigil din pala.

"Hoy ano bang problema mo? at nagmumukmok ka dito" sabi niya

"Wala" tipid kong sagot

"May dalaw ka no?" mapang-asar niyang tanong. 

Kaya tinignan ko lang siya ng masama. Sa tingin niya ba sasama ako dito kung may dalaw ako?!

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon