Mira's POV
Its been a month, simula ng bigla na lang nawala si PJ. Hindi pa din inuurong ang kaso sa kaniya, kaya tuloy pa din sa paghahanap ang mga pulis.
Nakakainis talaga ang ungas na iyon. Ang lakas ng loob gumawa ng katarantaduhan tapos takot naman pagbayaran ang ginawa niya. Kapag nakita ko talaga iyon, hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na masapak ang mukha niya. Hindi niya alam na labis ang naging epekto ng ginawa niya kay Yana.
"Stupid"
Salamat naman at dumating na ito.
"Ang tagal mo" reklamo ko
"Pasalamat ka nga dumating pa ako!" Pagtataray niya
Hindi na talaga maaalis sa kaniya ang pagiging masungit, pero hindi ko man aminin ay isa din yun sa dahilan kung bakit ako baliw na baliw sa kaniya.
"Well, thank you"
"Dalian mo nga jan!"
Tignan mo to, hindi man lang ako hinintay, nauna na agad pumasok ng kotse.
"Bakit ka ba bigla na lang nagyaya sa bahay niyo?" tanong niya
"Gusto ka daw makita nila mama, ang tagal mo daw kasi hindi pumupunta ng bahay"
"Nakakainis ka, biglaan ka magyaya. Wala man lang akong dala para kanila tita"
"Pwes, hindi ko na problema yun" Pilya kong sagot
Nang makarating na kami sa bahay ay halos hindi maipinta ang mukha ni Yana. Natatawa ako sa reaksyon niya.
"Lagot ka talaga sa akin Mira!" pagbabanta niya sa akin.
Tinawanan ko lang siya saka hinila papasok ng bahay.
"Yana" Masiglang bati ni mama at niyakap siya ng pagkahigpit-higpit.
Hindi man lang ako pinansin at sinama na niya si Yana sa kung saan.
Tss hello Ma nandito din po ang anak mo?! Duh
"Kawawa ka naman ate!" pang-aasar ni Mia
"Hindi ka man lang napansin ni mama" panggagatong ni Eira
