Mira's POV
"Yana hindi pwede na isawalang bahala na lang, paano kung ulitin na naman niya?" pagpupumilit ng mama ni Yana
Ewan ko ba dito, bakit parang naawa pa siya sa ungas na iyon.
Gustong-gusto ko na talaga sapakin iyon nang makita ko siya, pero ito naman si Yana, ako ang sinapak. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi ko nakikita ang epekto nang ginawa niya kay Yana.
Minsan nadadatnan ko siyang umiiyak, hindi man niya sabihin ang dahilan, pero halata naman, dahil yun sa ungas na iyon.
"Kung ayaw mo siya mabulok sa kulungan, pwes hayaan mo akong bugbugin man lang siya" iritable kong sabi
Isang malakas na hampas ang naabot ko sa kaniya nang sabihin ko iyon.
Hindi naman niya ako masisisi kung ganito ang nararamdaman ko ngayon sa ungas na iyon.
"Tapos ano? Hahayaan kitang bugbugin mo siya hanggang sa mapatay mo na siya at ikaw ang mapunta sa kulungan?!"
"Hindi mangyayari iyon" Pag-angal ko
Pero masmabuti kung ganun na nga ang mangyari sa kaniya tsk.
"Yana, hindi pwede ang gusto mo mangyari. Hindi mapalagay ang loob ko, dapat pagbayaran niya ang ginawa niya" Madiin na sabi ng mama ni Yana.
Ang hirap naman kumbinsihin nito. Ano bang meron sa ungas na iyon?
"Pero Ma--"
"Nakapagpasya na ako" pagtutol ng mama niya saka pumunta sa kwarto nito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Yana saka hinampas ako.
Ako na naman ang napagdiskitahan nito.
Hinawakan ko ang kamay niya saka hinila siya palapit sa akin.
"Yana ginagawa lang namin kung ano ang dapat at tama. Sana maintindihan mo kami, maski ako ay hindi mapanatag ang loob ko hanggat hindi nagbabayad ang lalaki na iyon." malumanay kong paliwanag sa kaniya
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Mira. Kahit papaano ay may pinagsamahan kami, kaya mahirap din para sa akin na maku---"
"Yana, anong gusto mo? Maulit na naman ang ginawa niya sayo? Kung mangyari man iyon, hindi na ako magdadalawang isip na mapatay siya, kahit ikaw ay hindi na ako mapipigilan" madiin kong sabi.
