Fifty Two

2K 33 3
                                        

Cyd's POV

" Oh nakakunot yan noo mo?"  pansin sa akin ni Ria

Nakakaasar, sa tuwing nakikita ko talaga yun mokong na iyon ay nasisira araw ko.

Ewan ko ba kung bakit, hmm siguro nga dahil yun dun sa ginawa niya kay Ali.

Aish! Yun hayop na yun  sa tuwing naaalala ko yun ginawa niya UGH ang sarap lamukusin ng pagmumukha niya.  Ang kapal ng mukha niya, ang lakas talaga ng loob niya na makipagbalikan kay Ali matapos nang lahat ng ginawa niya. Akala mo kung sino, eeh di hamak na maslamang naman ako sa kaniya.

Siguro kung naging lalaki lang ako baka mas lalo pa akong maging attractive kaysa sa kaniya, ngayon pa nga lang na babae ako ay marami nang nagkakandarapa sa akin, paano pa kaya kung naging lalaki ako. (Mayabang ba? Tss hindi iyon maiiwasan)

Ano naman kaya ang nagustohan sa kaniya ni Ali? Gwapo nga eeh mukha naman walang ibubuga, hangin lang ata laman ng utak nun. 

Alam kong puro kapintasan na ang sinasabi ko sa kaniya tss hindi ko kasi maiwasan. 

"Alis na ako"  paalam ko sa kaniya

"Hey wait" 

"Huh? Saan naman ang punta nun?"  pagtatakang tanong ni Alec sa kanila.

Malapit na matapos ang klase nila Ali kaya susunduin ko na siya. Masmaganda nang maghintay ako sa kaniya kaysa naman maunahan ako ng mokong na iyon. Madalas ko na din ito ginagawa, ang sinusundo siya pagkatapos ng klase niya. Baka kasi bigla na naman sumulpot yun mokong na iyon at hindi na naman siya tantanan o di kaya baka ulitin na naman yun ginawa niya kay Ali noong nakaraan. 

Simula nang makita kong ganun si Ali na umiiyak at takot na takot  ay para ba gusto ko na siya bantayan uhm I mean protektahan. Meron nag-uudyok sa akin na gawin yun. Despite of her jolly personality, I think there is a part of her that is so fragile. Hindi ko naman sinasabi na mahina siya, syempre lahat naman tayo siguro ay may tinatagong weak side. 

Gusto ko siya protektahan dahil ayaw ko na ulit na makikita siyang umiiyak. 

Posible kaya yun? Posible na kaya ako nagkakaganito ay may nararamdaman ako sa kaniya? O siguro nakakainis lang talaga iyon lalaki na iyon kaya ganito ako? 

Naputol lang ang pag-iisip ko nang matanaw ko na siya papalapit sa akin. 

"Pinaninindigan mo talaga huh"  sabi niya

"Oo, dahil ayaw ko na makita yun lalaki na iyon na umaaligid sa iyo"   Medyo naiinis kong sagot. 

"Kung hindi ko lang alam na marami ka na naging boyfriend baka inisip ko na may gusto ka na pala sa akin"   Pang-aasar niya pero hindi ko na lang pinansin. 

Tss kung magrereact pa ako baka isipin niya na may gusto talaga ako sa kaniya. Kung ano-ano ang pinag-iisip nito, hindi ba pwede na concern lang talaga ako sa kaniya? -_-

"Hey joke lang, eto naman simangot agad"  sabi niya

"Whatever"  then I rolled my eyes

"Ang cute mo talaga sa tuwing nagagalit ka"   Pinisil niya yun magkabilang pisngi ko hanggang sa mamula na ito. 

"Ang sakit ah"  pagrereklamo ko

"Tss tara na nga, treat na lang kita"  Wow, first time to ah. First time na i-titreat niya ako. Hindi na ako tatanggi pa dahil minsan lang ito, minsan lang ang may manlibre sa akin dahil madalas ako ang nanlilibre kahit labag na sa kalooban ko. 

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon