Fifty Four

1.7K 22 2
                                        

Yana's POV

" Chloe enough! Akala ko ba okay na tayo?"   Narinig kong sabi ni Mira. 

Ewan ko ba, pero pakiramdam ko parang may hindi tama.

Alam kong mali ang makinig sa usapan nila.

Pero parang kailangan?  Hindi ko naman din sinasadya, nagkataon lang na napadaan ako dito sa parking lot.

"Akala ko ayos nga lang, pero h-hindi pala ang hirap"   Nauutal na sabi ni Chloe. Parang naiiyak na siya pero pinipigilan niya lang.

" Chloe please naman tama na, nahihirapan din ako"    

Nahihirapan? Saan naman?

"Mira akala ko ba hindi ka susuko ? Bakit ganun parang napakadali lang sayo na bitawan ako?"  

"Chloe tama na, akala ko ba tapos na tayo sa usapang ito? Bakit inoopen mo na naman?"  

"Mira mahal kita, mahal na mahal kita. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na wala ka"

Bakit ganun? Ano ito? Nakikipagbalikan siya kay Mira. 

Paano na?...

Kami?

"Chloe tama na, saka na lang tayo mag-usap mukhang nakainom ka"  Kalmado niyang sabi pero mukhang nagpipigil na lang din siya.

"No Mira! Wag mong ibahin ang usapan! Wag kang umiwas!"

"Umuwi ka na, may klase pa ako"  

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may takot akong nararamdaman. Nakakainis bakit ba kasi nakinig pa ako sa usapan nila!

"Chloe please! Umuwi ka na!"  Mariin na sabi ni Mira

Maya-maya lang ay bigla na lang nanahimik. Wala na niisa sa kanila na nagsasalita, siguro wala na s-------

No! Hindi pwede ito!

Bigla na lang ako nanlamig sa nakita ko. Bakit? akala ko ba w-wala na?  

Nanahimik lang sila saglit tapos nang makita ko ito na pala ang ginagawa nila.

Bakit ganun? Pumayag na lang siya na magpahalik kay Chloe? Hindi man lang siya nanlalaban. Nakakainis!  Ibig sabihin ba nito ay gusto niya rin? 

Ang gulo! Hindi ko siya maintindihan! 

"Y-yana?"    

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon