MIRA’S POV
Wala! Wala lang ito! Masyado lang akong natutuwa sa kaniya; tama yun lang yun, wala ng iba.Imposible naman siguro yun pinipilit ni Alec, kasi wala lang talaga ito.Hmm maybe infatuation lang at hindi rin magtatagal ay mawawala na ito.
Hahaha ano naman kaya ang magugustuhan ko dun eh wala nga sa kaniya yun hinahanap ko at ang layo niya sa mga tipo ko.
Kumbaga kung sa 100% ay mga 25% lang siya., gets?
Tss kaasar na ah! Kundi lang sa peste kong pinsan nay un, edi sana hindi ako nag-iisip ng ganito.
Naputol ang pag-iisip ko nang may biglang tumakip sa mata ko.
“Kung sino ka man, please tanggalin mo nay an kamay mo!” sabi ko at tumawa lang ang peste.
“Isa! Tanggalin mo nay an!”
“Dalawa, pag ito nakaabot ng tatlo, putol sakin yan kamay mo!” hmp! Tignan na lang natin kung hindi ka matakot.
“Tat—“
“Hahaha sadista ka na pala ah” Hay, ano naman kaya ginagawa ng babaeng ito dito?
“Bakit ka nandito?” tanong ko
“Hmm wala lang, bakit sayo ba itong park?”
“Bakit ka nandito?” tanong ko ulit
“Masama ba pumunta dito sa park?”
Ano ba yan sa bawat tanong ko ay tanong din ang binabalik niyang sagot.
“Hahaha galit na galit ka naman. May dalaw?” pang-aasar niya
“Ewan!” Ano naman kaya kailangan nito?
“May problema ba ang baby ko?” natatawa niyang tanong
Kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Sungit mo naman” sabi niya
“So?” pagtataray ko
“Aww! Sumungit na ang baby ko”
“May problema ba?” tanong niya ulit kaya tinignan ko lang siya
“Uhm wait… kung pera pala yan problema mo, sorry na lang dahil wala akong matutulong sayo” natatawa niyang sabi
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko
“Nag-jojogging kasi ako then nakita kita dito so lumapit ako kaso mukhang busy ka sa sarili mong mundo jan kaya di mo ako napansin na lumapit”
“Ang aga-aga para ka na nakashabu jan” dagdag niya at tinawanan ako.
Ang jolly naman ng babaeng ito ngayon, anong meron at panay ang tawa niya?
“Ano ba ang pinoproblema mo jan?” tanong niya.
“Chloe,hawakan mo nga yun kamay ko” sabi ko.
“Huh? Ah-eh bakit?”
“Basta gawin mo na lang utos ko”
“Hmp! Bakit hindi ikaw ang gumawa” sabi niya; so ganun na nga, ako ang nag-initiate na hawakan yun kamay niya.
Bakit ganun? Wala akong maramdaman, eh dati naman simpleng hawak niya lang sa kamay ko, hindi na ako magkandaugaga sa kilig. Hmm maybe hindi pa ito sapat.
“Halikan mo nga ako” sabi ko.
Alam ko! Alam kong mukha na akong desperada na ewan dito.