- Pasensya na po, napagsama ko yun Chap25 & Chap 26, so eto pinaghiwalay ko na po.
....................................................................
Mira’s POV
1Week na lang bakasyon na at sa 1week na ito ay maraming pinapagawa samin, Hay may exam din kami sa mga major subjects.
“Yana teamwork ah!” hahaha siguro naman alam niya na ang ibig kong sabihin.
“Mukha mo, ang hirap-hirap magreview tapos mangongopya ka lang?!” tignan mo to ang damot
“Dali na, tutulungan din naman kita”
“Ayoko, bahala ka jan.” Aish, why so cruel?
Ang sakit pa naman sa ulo ng Trigonometry
“Please, minsan lang naman ako humingi ng favor sayo” sabi ko
“Ayoko, baka mahuli pa ni prof!”
Tignan mo to wala man lang konsiderasyon.
*Sigh* Stock knowledge wag mo ako bibiguin -_-
Nagstart na ang exam at eto ako umaasa sa stock knowledge na wala naman kasiguraduhan. Nakalimutan ko kasi mag-review dahil sa bagong game na ini-release kahapon.
Tinitignan ko si Yana at grabe siya makacover sa papel niya, yun tipong wala nang makakasilip.
Yun iba naman ay yun nagtiteamwork, kung malapit lang ako sa kanila makikisali na ko -_-
Hay Yana isa o kaya tatlong sagot lang naman ay kuntento na ko.
30mins. na lang time na at may 11 laktaw pa ako tapos yun iba ko naman sagot hindi ako sure kung tama. Siguro 45% lang dun yun sigurado ako, hay may butal pang 5%.
Solve…
Solve…
Compute…
Compute…
Hay ang sakit na ng ulo ko >_<
“Okay, pass your paper now!” aargh time na, tsss may dalawa pa akong laktaw.
****
“Madamot!” sabi ko kay Yana
“Thankyou!” mariin niyang sabi habang naglalakad palabas ng school.
“Ay wait!” sabat hinawakan ko yun kamay niya para mapigilan siya
“May pupuntahan kaba ngayon?” tanong ko
“Wala, uuwi na ko” sagot niya
“Good, wag ka munang umuwi samahan mo muna ako!” Hihilahin ko n asana siya kaso pumiglas siya
“Bakit?” tanong ko
“Sinabi ko bang sasama ako? Diba sabi ko uuwi na ko!”
“Aish maya na, maaga pa naman oh!”
“Ayoko uuwi na ko!” then patuloy na siya sa paglalakad.
“Wa-wait” hinabol ko siya at pinigilan
“Samahan mo na ko please!’ sabi ko
“Saan na naman ba yan?” mataray niyang sabi
“Basta” at hinila ko na siya papunta sa kotse ko.
Matagal na din akong hindi nakakapunta dun & I really miss them.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Yana
![](https://img.wattpad.com/cover/13465992-288-k510541.jpg)