Sixty Six

1.2K 30 4
                                    

Mira's  POV

Sapat na ang mga narinig ko para saktan ang lalaking ito. 

Dali-dali akong lumapit sa kaniya at hindi na ako nagdalawang isip pa na suntukin siya. 

Lahat ng galit ko ay nasa suntok sa iyon. 

Hayop siya! Ang lakas ng loob niya gawin ito kay Yana.

Hindi pa ako nakukuntento sa ginawa ko kaya bago pa siya makatayo ay malakas ko siyang tinadyakan sa tiyan niya. 

Kulang pa ito para sa ginawa niya kay Yana. 

Patuloy pa din ako sa pagsuntok at pagtadyak sa kaniya. Wala na akong paki kung ano man ang mangyari sa kaniya. 

"Walang hiya ka! Kulang pa ito para sa mga ginawa mo kay Yana!"   Kulang pa ito, kulang na kulang.

Hindi ko na makontrol ang sarili ko, maslalo pa akong nagalit nang ngumiti na nakakaasar ang hayop na ito. 

"Wala kang karapatan para ipilit ang sarili mo kay Yana!"  

Susuntukin ko pa sana siya ulit kaso bigla na akong niyakap ni Yana. 

Bigla na lang ako nanlambot at nahimasmasan nang makita ko siyang umiiyak. 

"M-mira tama na"  garalgal niyang pakiusap.

"Yana.."  Yun lang ang nasabi ko  at  niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.

Hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak, tuloy-tuloy pa din siya.

"Shhh tahan na" 

"Nakakadiri naman kayo!"  Nakangising sabi ni PJ

Ang walang hiya, nagawa pang ngumisi. 

"Ikaw!"  Susuntukin ko pa sana ulit siya nang pinigilan ako ni Yana

"Mira"  Pagpigil niya

"Tsk hindi ko talaga lubos na maisip na papatol ka Yana sa babae. Hindi ka nga kaya paligayahin niyan" 

Ang ungas na ito, ano ba ang alam niya?!

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon