Mira’s POV
4:30am pa lang ay nasa airport na kami so my 30mins. pa kaya makakatulog pa ako. Tsss ikaw ba naman gisingin ng 2am eh 5am pa nga yun flight naming Aargh bwiset talaga tong pinsan ko!
“Hey wag ka matutulog, mahirap ka pa naman gisingin” tignan mo to bwiset talaga
“Aargh K. Fine!” iritableng sagot ko
Hay whatta life! Ang galing talaga manira ng araw nitong pinsan ko, ansarap kaltukan -___-
“Hoy tayong 2 lang talaga ang magkasama” tanong ko
“Hindi, parating na daw si May tapos yun iba nandun na” sagot niya
Hay buti naman, kala ko mabubulok na ko dito sa peste kong pinsan, napakawalang kwenta kasi nito kausap.
“San na daw ba si May?” tanong ko
“Ewan ko, basta OTW na daw” sagot niya.
Hmmm kung kasama si May tapos yun iba daw nandun na, di kaya nandun din si Yana?
Hahaha weird, bat ganun bigla na lang ako naexcite?
****
Maya-maya lang ay nandito na din si May. Tsss, ang sexy naman ng suot nito, medyo revealing. Tiyak pagtitinginan to ng mga lalake dun. Ang perfect ng curves niy—Aish! Ano ba itong pinag-iisip ko?!
Hindi sa naiingit ako o ano, miss conservative lang talaga ako lalo na kapag sa mga ganyan.
“OH hello Mira, kasama ka pala” bati sakin ni May
“Hmm sa kasamaang palad ‘OO’” sagot ko
“Mukhang magiging Masaya ang bakasyon natin ah, The more the merrier” sabi niya. Hahaha ang jolly talaga nitong si May.
“Oh I heard may sinama pa daw si Cyd” sabi ni Alec
“Oo daw, friend niya daw taga school din natin” sagot naman ni May
Mayamaya lang ay tinatawag na din yun passengers papuntang Cebu, Hay this is it flight na namin. Can’t wait to see Yana, 3days din kaming hindi nagkita, 3days ko din siyang hindi nakulit.
****
…………………………………
After 1&1/2 or 2hrs atang biyahe ay nakarating din kami ng Cebu. Wala talaga akong kaalam-alam kung saan kami dito pupunta, basta binaba na lang kami sa isang very familiar resort, Hmmm I think napuntahan ko na to hmmm wait medyo nagsisink in na sakin itong resort na to.
(O_O)
Shoot ito yun resort nila Chloe! Dinala niya ako dito nung pinakilala niya ako sa parents niya at sa pagkakaalam ko every vacation ay dumadalaw siya dito. Aish, hanggang ngayon di ko pa rin alam kung paano siya haharapin.
Don’t get me wrong wala na akong nararamdaman sa kaniya, Wala na. Basta kinakabahan lang ako kapag nakita ko siya, hindi ko alam kung anong mangyayari.
Hay bahala na, wala na naman eh, tapos na, so wala na dapat akong ikabahala, wala naman akong atraso sa kaniya hahaha.
Pagpasok namin ay agad kaming pumunta sa room naming, good for 4persons yun room at sa pagkakaalam ko 9 daw kami so 2room ang kinuha.
Nang makarating na kami sa room ay bumungad samin yun mga kaibigan nilang may sari-sariling mundo. At si Yana ay yun, nakahiga.
“HELLO GUYS!” masiglang bati ni May
Pagkakita sakin ni Yana ay nakita ko sa reaksyon niya na parang nagulat siya, hmmm siguro iniisip niya kung bakit ako nandito at kasama hahaha.
So lumapit ako sa kaniya.
