Cyd's pov
"Ano ba yan Cyd?! Dalian mo naman jan maglakad!"
"Tss wait lang pwede? Akala mo naman ganun lang kagaan itong mga bitbit ko"
" Ang hina mo naman!"
Ugh! Kanina pa itong si Ali. Akala mo alalay niya ako at kung makapagpabitbit ng mga pinamili niya sa akin wagas. Tss ang lakas ng loob umangal eh siya nga itong wala naman naitutulong, halos lahat ako ang may bitbit, maliban na lang sa bag niya.
"Pwede mo akong tulungan" Sarkastiko kong suggestion sa kaniya
Nag-isip naman siya saglit at isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
Uh-oh mukhang hindi maganda itong binabalak niya?
"Hmm may prize ka sa akin mamaya, so please pabitbit ng mga niyan" Pilya niyang sabi.
Tss may magagawa pa ba ako? Mukhang wala naman talaga itong balak na tulungan ako.
Pero ano naman kaya iyon prize na yun? Medyo na-excite ako ah.
Akala ko tama na yun mga pinamili niya, pero mukhang wala ata siyang balak tumigil. Kaya ito ako parang aso na buntot nang buntot sa kaniya sa bawat boutiques.
"Oh ano tapos ka na?" Tss kaasar ang dami na kaya ng mga bitbit ko. Hindi man lang ako tulungan eh halos lahat ng mga ito ay sa kaniya naman.
" Hay tara na nga, kain muna tayo bago umuwi" Salamat naman at nagyaya na din ito kumain tss nagugutom na din ako noh.
Napakatamad talaga nito -_-
Ako pa ang inutusan niya umorder eh ako itong pagod.
So ito pala ang consequences ng pag-amin ko sa kaniya? Ang maging alalay niya? Ugh! Napaka talaga ng babae na ito. Nadaig pa si ate sa pag-uutos.
After namin kumain, nagpahatid na siya sa bahay nila.
" Tulungan mo naman ako iakyat ang mga ito sa kwarto ko" Oh gosh, there she goes again. Ginagamit na naman niya ang paawa effect / pacute face niya.
Wala na din naman ako magagawa tutal hindi din naman ako tatantanan nito.
Napakalakas talaga ng babae na ito sa akin, hindi ko man lang magawang tanggihan.
As expected, hindi niya ako tinulungan na iakyat ang mga pinamili niya. Halos lahat ako pa din ang nag-akyat sa kwarto niya.
"Ugh! Nakakapagod" sabi ko bago dumapa sa kama niya.
"Cyd! Tanggalin mo naman yan sapatos mo bago humilata diyan sa kama ko!"
Hmmp, bahala ka jan! Pagod ako so wala na akong time para magtanggal ng sapatos.
