Forty

2.7K 23 1
                                    

Yana's POV

     

                Napakulet niya, sobrang kulet.  Araw-araw na lang ang hyper niya tapos lagi na lang ako iniinis. Akala mo parang may bata ka palaging kasama.

Napapansin ko din napapadalas ang paghila niya sakin para lang sumama sa mga walang kwentang  lakad niya, paano ba naman kasi halos karamihan sa mga unexpected na lakad na yun ay puro pagkain sa kung saan-saan pastry shops,cake basta mga sweets.

Magkakadiabetes na nga ata ako.

Hmm Pero minsan napapaisip ako, ganun din kaya siya sa ex niya?  Makulet na may pagkasweet na ewan?

Minsan nga kinikilabutan na lang ako sa inaasta niya parang masgusto ko pang maging makulet siya at mapang-inis sakin. 

Hindi naman sa ayaw kong maging mabait siya sakin pero uhm kasi nakasanayan ko na siguro na ganun siya, na makulet na nakakainis. 

"Sunget!"  Hay speaking of...

"Oh?"  

"Sunget talaga nito! Imbis na mag-Hi o hello muna eh"   ang dami talagang arte nito

"Hello"  sabi ko. 

"Yan!"  Para talaga siyang timang

"Anong kailangan mo na naman?" tanong ko

"Wala, masama bang samahan ka?"  

"Tss, bahala ka" sagot ko

Hindi ko talaga maiwasan magpaka-mean sa kaniya.

Nakasanayan ko na din eh.

"May gagawin ka after school?"  Hay yan na naman po siya, isasama na naman ako sa mga walang kwentang lakad niya.

Tinignan ko lang siya kasi alam ko naman na kung anong gusto nito.

"So wala?"  tanong niya

"Saan na naman ba yan ha?" 

"Magkakadibates na ako sa mga pinapakain mo" dagdag ko.

"Gusto mo naman eh" sagot niya

At ginantihan ko lang siya ng masamang tingin

"Hahaha so ano? payag kana?"  nakangising tanong niya

"Pag-humindi ba ako, hindi mo ako pipilitin?"   tss as if namang may choice ako.

"Sasama ka pa rin"   See, siya pa rin ang magdedesisyon pa rin sakin.

" Bahala ka"  

Hay lagi na lang ganito.  

Pero ayos lang kasi libre naman hahaha; nagtataka nga ako dito hindi nauubusan ng pera, napakagastador niya at matakaw.

*******

After class, the same routine na naman.  

Kakain na naman kami; sa kung saan-saan.  

Hay buti na lang hindi ako tumataba kundi baka lobong-lobo na ang katawan ko.

"Saan na naman ba tayo pupunta ngayon ha?"  tanong ko

"Hindi ko alam"  simpleng sagot niya

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon