Mira's POV
"Mira"
"Mira"
Ang boses na iyon, pamilyar siya.
"Mira" Ang lamig sa tainga marinig muli ang boses niya.
Unti unti akong dumilat at isang nakangiting Yana ang bumungad sa akin.
Hindi ako makapaniwala.
Gising na siya. Gising na ang mahal ko.
Hindi ko magawang magsalita. Halos matulala ako sa nakikita ko. Matagal ko itong hinintay.
No words can express how much I miss her. Yun mga ngiti niya, yun boses niya , yun pagsingkit ng mata niya at paglabas ng dimple niya ay sobra ko namiss.
"Y-Yana..." Yun lang ang nasabi ko.
"Mira I miss you" malambing niyang sabi
Halos maluha na ako sa nangyayari ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala.
"Ano tititigan mo na lang ba ako?" mapanukso niyang sabi.
Nang yayakapin ko na sana siya ay bigla nawala lahat.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.
