MIRA’S POV
My life will be a living hell kapag hindi agad namin natapos ang project na to.
FLASHBACK
"Hey stupid nasaan yung mga paintbrush mo?”
Aba ang kapal ng mukha makatawag ng stupid wagas
“Maghanap ka jan at isa pa WAG MO AKO TAWAGIN STUPID” pagtataray ko
“Oh sige IDIOT”
Damn napupuno na ko sa mga endearments nito a
“IDIOT paabot naman ng white at brown na pintura”
Hindi ko siya pinansin bahala siya at isa pa hindi IDIOT ang name ko
“Hey idiot! Sabi ko paabot ng mga paint”
Bahala ka jan! TSSSS
“Hey you stupid IDIOT”
Damn napupuno na ko sa witch na to!
“May paa ka diba? Bakit hindi ikaw ang kumuha? At isa pa MIRA ang pangalan ko”
“Okay stupid Mira so please pakiabot yung pintura para matapos na ito agad”
AAARRGGGGGHH nakakainis na talaga to, konting tiis pa KEEP CALM LANG MIRA
“Hey sabi ko pakiabot” pasigaw niyang sabi
Dahil ayokong humaba pa itong bangayan naming ay inabot ko na lang yung pintura sa kaniya
“Stupid MIRA nagugutom ako”
“Kumain ka!”
“Bisita mo ko tapos di mo ko pagsisilbihan! MyGOSH stupid ka nga talaga” sarkastikong sabi niya
“TSSSS Bisita? Baka BWISITA”
“Ano?”
“WALA, kumuha ka na lang jan sa ref”
“IKAW NA APARTMENT MO TO!”
Aba pala-utos ang prinsesa tssss bahala ka sa buhay mo.
“Hey sabi ko kumuha ka ng pagkain”
“May paa ka diba? Bakit hindi ikaw ang kumuha? Anjan lang yung ref oh”
“CHE” then padabog siyang tumayo para kumuha ng pagkain niya
“DAMN! ANO BA ITO, PAGKAIN BA TO? BAKIT PURO JUNKFOODS AT INSTANT NOODLE ANG NANDITO?”
“PAKI MO BA, EH SA DI AKO MARUNONG MAGLUTO”
Bumalik siya at kinuha yung gamit niya
“OH saan ka pupunta?”
“Bibili ng MATINONG makakain!”
END OF FLASHBACK
Anong petsa na? di pa rin siya nakakabalik , Ano nadaganan na siya ng pagkain?
7:30….
7:40….
8:00….
8:30…
8:45….
DAMN BAKA KUNG ANO NA NANGYARI DUN, TSSSSS MAHANAP NA NGA!
Lumabas ako para hanapin si witch at sa kasamaang palad ay umuulan.
Nasaan na ba yun?
Hanap ditto, hanap doon, hanap there, hanap everywhere…..
“WITCH ASAN KANA BA?” sigaw ko
Shit lalong lumakas yung ulan, dapat pala nag-kotse na lang ako
Sa di kalayuan ay may nakita ako sa waiting shed na babaeng ginaw na ginaw at nakayakap sa sarili
Sa wakas si witch na yun
“Hey witch”
Lumingon siya sa akin na parang kawawang pusa
“Bakit ka nandito?!” aba nakuha pang magtaray
“May hinahanap akong WITCH” at inirapan niya lang ako
“Hey tara na” at inilahad ko ang aking kamay sa kaniya
SA APARTMENT
“Lapag mo muna yan dun at maligo ka” utos ko sa kaniya
“Wala akong damit”
“Papahiramin na lang kita”
After several mins.
Wow ang hot niya sa tshirt ko, damn! Wait ano ba tong iniisip ko? Sorry chloe
“Hey nasaan yung kaldero mo?”
“Bakit babatuhin mo ko?”
“DUH ano ba ang gamit ng kaldero? Pangluto diba? STUPID” at inirapan niya lang ako
Awww basag. Tarayqueen talaga
“Nasa ilalim ng cupboard”
“Ano yang niluluto mo?”
“Nilaga para may makain naman na matino”
Tssss yabang.
“Baka disaster ang kalabasan niyan a”
Then she glared at me
“Gumawa ka na lang dun, di yun nakatunganga ka lang jan”
“CHE taray!”
*sigh* tagal naman nagugutom na ko.
“Hey stupid kain na”
OhYes makakakain na ko.
“Hey baka naman may lason to a”
“Damn nakalimutan ko lagyan wait lang”
Aba balak pala ako lasunin nito
“Hey kumain kana nga jan”
Wow magaling din pala to magluto pero dapat hindi ako magpahalata. Oh wait late na din pala dapat hindi ko na siya pauuwiin delikado na sa daan no.
"Hey witch dito kana lang matulog tutal masyado ng late baka kung mapaano ka pa”
“Okay pero ako sa kama ikaw sa sahig”
WHATTHE? Tssss pagbigyan total siya naman ang nagluto
“Maghugas ka jan, maliligo muna ako” utos ko
“bakit ako ang maghuhugas e ako na nga ang nagluto diba?” pagtataray niya
“Teritoryo ko to kaya ako ang masusunod” sabay pasok sa kwarto ko
Wahahaha bahala ka jan magpapaka-bitch ako ngayon..
Kinabukasan....
“Wow Ms. Cruz and Ms. Perez ang aga niyo naman natapos tong miniature ng school. Bravo, bravo” with matching palakpak pa ni sir
Yes konting tiis na lang at makakalaya na ko sa hell life with witch.