Seventy one

845 24 1
                                        

Mira's POV





Ilan linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin gumigising si Yana. Araw araw ay hindi ako nagsasawa na kausapin siya. Kinukwentuhan ko siya sa mga nangyayari. Alam ko hindi niya ako naririnig pero baka magising siya dahil sa walang sawa ko kakakwento.




"Mira" tawag agad sa akin ng mama ni Yana pagkapasok nito.




"Po?"




"May balita na sila"




Napatayo ako sa sinabi niya.


Si PJ nahanap na nila. Ang tagal din namin naghintay.





"Ano po ang sabi? Nasaan na si PJ? Saan nila nakita?" Sunod sunod kong tanong.




Hindi ko inaasahan ito. Akala ko matatagalan pa, pero...





"Ang sabi nila na sa Quezon daw si PJ, sa Sariaya"





Ang mokong na iyon, doon lang pala nagtatago.





"Ano na? Pinuntahan na po ba nila? Kumilos na po ba sila?"





"Hindi raw dapat padalos dalos pero naghahanda na sila papunta doon" malumanay na sagot ng mama ni Yana.





"Dapat na po talaga sila kumilos agad, baka makatakas pa iyon. Baka nga nakatunog na ang lalaking iyon na nahanap na siya"




"Babalitaan na lang daw nila tayo"





I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon