Cyd's POV
Pssh, ano naman kaya ang iuutos nito?
Ugh! Sana naman madali lang, hindi yun kagaya kay Naomi. Nakakahiya kaya yun -_-
"So ano na?" tanong ko kay Ali
"Uhmm, uhh" tss ano ba ito ang tagal naman mag-isip
"Hmm, mukhang magugustuhan ko yun ipapagawa ni Ali ah" bwiset talaga itong si Alec
"Hmmm tsss wala akong maisip kaya mag-sexy dance ka na lang jan for 10mins. Ayusin mo ah; dapat matuwa kami" (O_o) What the Heck?!! Ako sasayaw? at di lang basta sayaw sexy dance pa UGH! I hate dancing. Hindi nga ako marunong sumayaw eh. gumiling pa kaya.
"Pwede pass?" tanong ko
At pinagbabato lang ako ng mga bwiset ng buhangin. Argh Darn it!
"Kayo kaya sumayaw!" pangbubulyaw ko sa kanila
"Gawin mo na lang! Arte mo!" bwiset ka talaga Alec
"Kaya nga! Buti nga yan lang yun sayo eh; samantalang ako napaghubad pa ng wala sa oras" tsss kaasar ka talaga Naomi; ikaw ang nagpasimuno nito -_-
"Wag kang KJ!"
"Gawin mo na, 10 mins. lang naman eh"
Aargh! Nakakainis na talaga sila! Alam naman nilang hindi ako sumasayaw -_-
"Wow, first time kong makikita si Cyd na sumayaw ng ganun"
"Shut up May!"
"Go best!" Ugh! Pati ba naman ikaw Yana?
Pssh para sakin big deal na ang pagsayaw lalo na kung ganung klaseng sayaw nuh!
"Dalian mo, naiinip na kami!"
"Letse kayo kaya dito!" tss -_-
"Ay wait mukhang alam ko na kung bakit ayaw sumayaw ni Cyd" sabi ni Ria
At napakunot naman ako ng noo
Kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtog
"Oh ayan Cyd may music kana" Aargh I hate you Ria!
"Go na!"
"Dali"
Tss, 10mins. lang naman.
Kaya ko to, sayaw lang yan wala naman mawawala sakin -_-
SO nagsimula na ako sumayaw. Darn it! Gusto ko na lumubog dito sa kinatatayuan ko.
Sinasabayan ko lang ang music.
I sway my hips gracefully. Sa tingin ko mukha na akong frustated dancer dito, Gosh hindi naman kasi ako marunong sumayaw.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila dahil ayoko talaga makita ang mga reactions nila. I bet nagpipigil lang sila ng tawa dahil katawa-tawa na ako dito.
Tanging ang music lang ang naririnig ko, wala man lang ako naririnig na nagsasalita, nangungutya o kaya tumatawa.
Hindi pa rin ako nakatingin sa kanila dahil hindi ako interesado makita ang mga pagmumukha nila habang sumasayaw ako -__-
Gosh bakit parang ang tagal?
"Ali matagal pa ba?" tanong ko
pero walang sumasagot
"Huy!" AArgh! Ayoko sana makita ang mga mukha nila pero mukhang no choice na ako.
