Fifty One

2K 26 2
                                    

Cyd's POV

" A-ano ba! T-tigilan mo na ko"

"Aah.. Please, s-stop it!"  

Huh? Ano yun? 

"Sorry na, alam kong malaki ang naging kasalanan ko pero please bigyan mo pa sana ako ng isa pang chance"      

"Ano ba! Nasasaktan na ako"     Wait,  pamilyar sa akin yun boses na yun

"Sorry na, alam kong mahal mo pa ako"    

"S-shit, please bitawan mo na ako!"     Sana naman mali yun hinala ko, hindi siya yun, hindi.

"Wag ka ng maarte, alam kong gusto mo din ito!"  

"Ivan tama na!"    Shit! That voice.

Pagkatingin ko sa back stage ay si Ali kasama yun ex boyfriend niya. Tama nga ang hinala ko. 

Nagpupumiglas si Ali, habang yun tarantadong ex niya  ay pilit siyang hinahalikan 

Bigla na lang ako nakaramdam ng sobrang galit. Sa mga oras na ito, ay wala na akong gustong gawin  kundi ang pagsasapakin ang tarantadong lalaki na iyon. 

"Hayop ka!"   Hinila ko agad si Ali. 

Nanggigigil na ako, kaya hindi ko na napigilan pa  ang sarili ko.  Paulit-ulit ko siyang pinagsusuntok sa mukha hanggang sa magdugo na ang labi at gilid ng mata nito. 

Hindi ko na mapigil ang sarili ko, nawawalan na ako ng kontrol nang dahil sa galit. 

Ito tarantadong ito, napakawalang hiya talaga.  Gusto ko basagin ang pagmumukha niya nang magtanda siya. Ang lakas ng loob niya para lapitan at gawin yun kay Ali.

" Tarantado ka! Anong karapatan mo para gawin yun kay Ali? Masahol ka pa sa hayop!"  

Patuloy pa rin ang pagsuntok ko sa kaniya. 

Hindi ko na mapakalma ang sarili ko kaya kung ano-ano na din ang mga pinagsasabi ko sa kaniya habang sinusuntok siya.

"Cyd enough!"   Tumigil lang ako nang pigilan ako ni Ali.

Hinila niya ako saka niyakap nang mahigpit. 

"FUCK May araw ka din sa akin!"    Pagbabanta sa akin ng tarantadong ex niya saka tumakbo paalis.

"Cyd!"   

"Shhh tahan na"    Buti na lang nagawa niya pa akong pigilan, kundi baka nasa ospital na yun tarantadong iyon. 

"S-sorry and thank you"  sabi niya habang umiiyak.

Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Ali. Takot na takot at parang bata na kailangan ng proteksyon. 

Inangat ko ang mukha niya saka matamang tinitigan ang mga mata niya. Bakas ang sobrang takot sa mga mata niya pero parang may naghihila sa akin para ilapit pa ang mukha ko sa kaniya. 

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kaniya, hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niya.

Bigla na lang nablangko ang isip ko. Wala na akong iniisip pa kundi siya, ang malalambot niyang labi. 

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon