Fast forward na...
Mira’s Pov
3months passed at medyo nakakamove-on na ko , di na nga ako masyado bitter and sa tuwing nakikita ko siya ay okay na; para ba wala na yun feelings, nagfade na. Nagagawa ko na ngumiti kay Chloe na walang awkwardness (ewan ko lang siya). Then medyo nagiging close na kami ni witch aka Yana^^ na kahit masungit ay napagtityagaan ko namaan , ewan ko ba mas tuwang-tuwa ako kapag naiinis ko siya hehehe.
Oh speaking of witch….
“Hey witch” tawag ko
Hala taray nun ah di man lang ako pinansin
“Mira Witch!” tawag ko ulit
And this time lumingon na siya kaso nanlilisik yun mga mata niya at nilapitan ko siya
“Oh!”
Wow taray naman nito
“Taray mo naman” biro ko
“Paki mo ba!”
“Aray!” angal niya
“Bakit mo kinurot tong ilong ko” habang hinihimas-himas niya yun ilong niya
“Taray mo kasi” at umupo na ako sa tabi niya
Nandito nga pala kami sa canteen .
“Bakit ka nandito?” tanong niya habang nagsusulat
“Bakit masama na ba pumunta dito sa canteen?”
Tinaasan niya ako ng kilay then nagcross-arms siya
“Bakit ka dito umupo eh ang dami-dami naman jan vacant?”
Woooh, taray talaga nito
“Gusto ko eh, paki mo ba” at mas lalo ko pa inilapit ang upuan ko sa upuan niya
“Ano ba, usog ka nga dun” at pinipilit niya itulak tong upuan ko pero syempre dahil nga sa malakas ako di niya ako kinaya
“Bakit ba ang sungit sungit mo?” tanong ko
“Eh ang kulit-kulit mo kasi, shoo.shooo alis dun ka”
“Ayoko dito lang ako” pagpupumilit ko
“Kung hindi ka aalis, pwes ako na lang”
Nung tatayo na siya ay bigla ko hinila yung kamay niya at bigla naman siya na out of balance kaya napakandong siya sakin.
o.0
Wow ang ganda niya pala pagmalapitan
Siguro mga 30 seconds din na ganun yun position namin at nang bigla siya natauhan ay natataranta siya na tumayo.
“Tssss ang kulit kasi” inirapan niya ako sabay walk-out
Hala sungit naman nun; heheh masundan nga
“Witch” at di parin siya lumilingon
“Witch” dedma pa rin
Tumakbo ako palapit sa kaniya then hinawakan ko yun balikat niya
“Uyyy” tawag ko
“Ano ba?! Ang kulit-kulit mo!”
“Bakit ba ang sungit-sungit mo?”
“Sino bang hindi magsusungit kung napakakulit ng kasama mo?” at tinanggal niya yun kamay ko sa balikat niya then tuloy-tuloy siya sa paglakad
![](https://img.wattpad.com/cover/13465992-288-k510541.jpg)