Forty four

2.3K 16 0
                                        

Mira’s POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maski ako ay naiilang sa kaniya. Tatawagin ko na sana siya pero napapatiklop na naman ako, bigla na lang umuurong ang dila ko. Mahigit 1 week na rin since ugh nagconfess ako (tss di ko alam na confession na pala ang tawag dun) Gusto ko siya kausapin pero hindi ko magawa.

Yun simpleng pagtatagpo lang ng mga mata namin ay nagkakailangan na agad kami.

 Tss ang tagal pa bago mag simula ng klase, napaaga kasi ako ng pasok. Parehas na parehas pa rin kami ng schedule, wala pagkakaiba. Para ako timang, imbis na kausapin ko na lang siya ay umiiwas pa ako.

 Nakaabang lang ako sa pinto at nagbabakasakali na pumasok na siya, kanina pa ako ganito, inaabangan siya pumasok.

“Hey may inaabangan ka ata” 

 “Ha? Ah eh wa-wala” pagtanggi ko sa blockmate ko

 Tumawa lang siya bago tinuon ulit ang pansin sa librong binabasa niya.

 Nakakaasar bakit ang tagal niya? Sa pagkakaalam ko sa mga ganitong oras ay nandito na siya.

 Napaangat ulit ako ng tingin nang marinig ko na nagbukas yun pinto at hindi nga ako nagkakamali, siya na yun.

Pakiramdam ko ay bigla na lang ako kinabahan. Gusto ko lumapit sa kaniya pero na-stuck na ang mga paa ko dito sa pwesto ko at yun mga mata ko ay na-stuck na din sa kaniya.

 Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon alam ko na yun pakiramdam na so close yet so far.

Mukha na akong timang ngayon, nakaupo sa bandang likod niya at pinagmamasdan lang siya na parang isang creepy stalker. Nadisappoint din ako dahil ineexpect ko na lilingon man lang siya sakin kahit saglit pero wala, hindi siya lumingon dirediretso lang siya sa upuan niya sa harap. Hindi ako sanay ng ganito, malayo sa kaniya.

Pero diba bisexual din siya? Bakit naman kaya siya umiiwas sakin? Don’t tell me nandidiri siya?

Sana hindi naman.

I never thought that na mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Kasi alam ko sa sarili ko kung may nararamdaman na ako sa isang tao; pero hindi ko talaga ineexpect itong kay Yana. Mukhang nahulog pa ang loob ko sa kaniya ng dahil lang sa pagsusungit at pagtataray niya sakin. Hahah weird!

 Buong maghapon ay ganun lang kami, parang hindi magkakilala at heto ako nakaupo palagi sa may bandang likodan niya. Ang creepy ang kasi hindi ko maalis yun tingin at atensyon ko sa kaniya. Yun lakas ng loob na inipon ko para lang makausap siya ay bigla na lang nawawala kapag anjan na siya.

 Yayain ko na sana siya maglunch kanina pero bigla na lang akong napatiklop at titigan na lang siya hanggang makaalis. Nakakaasar dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Kapag may gusto ako isang bagay or tao ay gagawa’t gagawa ako ng paraan para mapalapit at makuha iyon. Hindi naman sa gusto ko makuha so Yana, ang gusto ko lang uh-uhmm….

Hindi ko rin alam kung anong gusto ko pagkatapos nito, kung makalapit man kaya ako sa kaniya, ano naman ang susunod dun? Never pa sumagi sa isip ko na maging girlfriend siya pero ugh ngayon…siguro.. 

 Naputol ang pagmumuni-muni ko nang siniko ako ng katabi ko

 “Hmm?”

 “Tawag ka ni sir” bulong niya

 Napakunoot naman ang noo ko sabay lingon kay sir na nakakunoot din ang noo.

 “Yes sir?” 

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon