Mira's POV
To : Yana
Mag-usap tayo please
Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin ako kinakausap ni Yana. Maski sa school ay hindi ko siya nakikita, kapag tinatanong ko kung nasaan si Yana sa mga kaibigan niya ay isang kibit balikat lang ang isinasagot nila. Hindi ko na nagugustohan ito, hindi ako makatulog ng maayos nang dahil sa kaniya.
Hindi ko siya mapuntahan sa kanila dahil nandoon ang mama niya at malamang ipagtatabuyan lang ako nun. Nakakabaliw na, wala man lang paramdam si Yana.
From: Alec
Nasaan ka?
To: Alec
Dito sa bahay, kanila mama
From: Alec
Pumunta ka dito sa apartment mo, naghihintay ako.
Ano ba kailangan nito?!
To: Alec
Busy ako
Bahala siya , sino ba nagsabi na pumunta siya dun?
From: Alec
Magsisisi ka kapag hindi ka pumunta.
Nakakainis talaga ito -_-
*****************
"Oh anong kailangan mo?" Iritable kong tanong sa kaniya
" Kumusta?"
Jusko po -__- Ano pinapunta niya lang ako para kumustahin ako?!
"Ano ba ang kailangan mo Alec?"
"Mukhang wala kang kaalam-alam noh?"
"Ano ba ang gusto mo sabihin ?!"
Nakakainis na ito -__-
"Akala ko ba kayo ni Yana?"
"Kami nga, bakit ba hah?!"
