Yana's POV
Ang bilis natapos ng 1week at heto na naman po ang kinaaayawan ko *SIGH* Pasukan na naman.
Isa lang ang masasabi ko sa naging bakasyon " WEIRD"
Ewan ko kung bakit; basta I found it weird lalo na sa tuwing kasama ko si Stupid.
Nakakainis siya na nakakatuwa.
Tss hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, sobrang gulo ko.
"Yana ano ba? Nalunod ka na ba jan?!" ano ba ito si mama panira ng moment.
Nag-iisip pa yun tao eh,
"Malapit na po ako matapos!" sigaw ko.
Nasa banyo kasi ako at naliligo.
Hindi ko na namalayan na ganun na pala ako katagal naliligo.
Nakakatamad naman kasi pumasok pero kailangan dahil first day ng school at malalagot ako kay Mama, tatalakan na naman ako nun ng bongga pag nalaman niyang tinatamad ako pumasok.
"Yana dalian mo jan!" Pssh speaking of... Minamadali na ako ni mama.
"Eto na po, nagbibihis na!" Kahit palabas pa lang ako ng banyo.
Kakaiba talaga si mama, mas excited pa ata sakin pumasok.
******
"Ma alis na po ako!" paalam ko
"Dalian mo! Ang kupad mo talaga kumilos"
Pssh imbis na sabihan akong mag-ingat, kinantyawan pa ako.
*sigh* Ang bait talaga ni mama..
Meron pa naman akong thirty minutes bago magsimula ang klase namin.
Sana hindi traffic para makarating agad ako ng school.
"Shit!!" bulalas ko.
Paano ba naman kasi biglang may dumaan na sasakyan at muntikan pa ako mabasa buti na lang nakailag agad ako.
Aargh! Masiraan sana siya; kung sino man siya.
****
"Shit!" ano ba naman to!
Kung hindi kotse, tao naman ang makakabungguan ko!
"SO-sorry!" sabi niya at nagmamadaling umalis.
Pssh pasalamat siya at nagmamadali rin ako; pero grabe naman siya parang may humahabol sa kaniya.
Pagkapasok ko sa room ay wala pa ang prof namin.
Hay buti naman, atlis hindi ako mapapagalitan.
Hmm parehas pa din kaya kami ng schedule?
Tss kung sakali man na magkaparehas kami, sigurado akong hindi matatahimik ang buong taon ko dahil iinisin niya lang ako o kaya guguluhin.
