Fifty Seven

1.4K 24 0
                                        

Cyd's POV

"N-no! Imposible iyon!"  

"Cyd calm down"    Niyakap niya ako ng mahigpit. 

Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko. Bakit ngayon lang nila nasabi sa akin? 

"Ate bakit ?!"  

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na kanina pa tumutulo. Ngayon na nga lang ulit sila uuwi dito tapos may malalaman pa ako. 

"Siguro ayaw ka nila mawala, ayaw nila malayo ang loob mo sa kanila" 

"P-pero ate!"   

"Sshh Cyd tahan na"  Pakiramdam ko tinanggalan nila ako ng karapatan, karapatan na makilala ang tunay na mga magulang ko. Bakit ganun? Hindi man lang nila agad sinabi sa akin.

"Cyd kahit hindi ka man nila kadugo ay anak pa rin ang turing nila sayo, kahit ako,  kapatid pa din kita kahit anong mangyari"

"Pero ate sino? Sino ang mga magulang ko?"   sabi ko habang patuloy pa din sa pag-iyak.

"Listen Cyd" At pilit niya pinaharap ang mukha ko sa kaniya

"Nagawa lang nila itago yun dahil sa pagmamahal sayo. Natatakot sila na mawala ka, sobra kang importante sa kanila. Wala silang inisip kundi ang makakabuti sayo."  

 Bakit ganun? kahit anong paliwanag ni ate ay ayaw tanggapin ng isip ko.

"Kausapin mo sila, hindi naman pwede na magmukmok ka lang dito. Paano mo malalaman kung hindi mo sila kakausapin"  

"P-pero ate---"

"Walang mangyayari kung ganyan ka lang"  Sersoyong sabi ni ate. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganito kaseryoso, madalas kasi nakangiti na parang timang si ate.

"Kahit baligtarin man ang mundo ay kapatid pa din kita, parte ka pa din ng pamilya na ito"  Niyakap ko siya ng mahigpit, buti na lang nandito si ate.

***********

"Cyd"   at yumakap ng mahigpit sa akin si mama.

"Cyd , anak"  at niyakap din ako ni papa.

"Pa pwede ba sabihin niyo sa akin ang lahat ng nalalaman niyo" sabi ko bago kumalas sa yakap nila.

"Anak per--"

"Ma please, gusto ko po malaman lahat"  

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon