Forty One

2.5K 17 1
                                        

Mira's POV

"Hindi ko siya gusto!" 

"Wala akong gusto sa kanya!" 

Jusme ang hirap talaga kausap nito. Kanina pa kami nagtatalo dito, kahit anong sabi o paliwanag ko hindi pa rin siya naniniwala. 

Ang hirap talaga makipag-usap sa mga ganitong tao.

"Bakit ba grabe ka makareact jan? Tinatanong ko lang naman kung ano siya para sayo tapos kung ano-ano na yang pinagsasabi mo jan"  sabi ng magaling kong pinsan na maslalong ikinainis ko.

"Napaghahalataan ka ah, defensive masyado"  dagdag niya.

Aargh! bwiset talaga to.

"Manahimik ka na nga lang jan"  sabi ko

"Hahaha ang pinsan ko in-- ARAY!!"  tss buti nga sayo.

"tsk di mo kailangan mambato! Pikon!"  inis na sabi niya.

Napaka walang kwenta talaga kausap nitong pinsan ko. 

Sa pagkakaalam ko, ang pinag-uusapan namin kanina ay tungkol sa pagkapanalo ng Germany laban sa Argentina sa FIFA World Cup then bigla na lang doon napunta yun usapan namin.

Sino bang hindi maiinis eh masmarunong pa siya sakin.

Nagtatanong-tanong tapos hindi naman pala maniniwala. Kaasar!

"Oh by the way, nanalo ako sa pustahan so akin na yun prize ko"   Aargh! Oo nga pala, panalo siya. Bakit ba kasi hindi na lang ako pumusta sa Germany eh!

"Mag-antay ka"  then pumasok na ako sa kwarto para kunin yun prize niya.

Hay mahal na mahal ko pa naman itong game na ito. Ito na yun pinakahuling stock na meron sila at hindi ko pa nga natatapos to tapos mapupunta lang sa walang hiya kong pinsan. UGH! kaasar!

"Oh ayan na"  at binato ko sa kaniya yun prize niya.

"Aray!"  hahaha sinadya ko kasi ipatama sa mukha niya yun.

Ngumisi siya na parang isang aso then binigyan ako ng mapang-asar na tingin.

Tusukin ko kaya mata nito nang di na niya ako matignan ng ganun? Hahaha kung pwede lang matagal ko na ginawa.

"Umuwi ka na nga!" pagtataboy ko sa kaniya

"Hahaha okay, nakuha ko na naman yun gusto ko eh"  sagot niya

At buti na lang nagkusa na siya lumabas kung hindi kakaladkarin ko talaga siya

"CIAO"  pahabol niya bago tuluyang umalis.

Hay sakit talaga sa bangs nung magaling kong pinsan. Konsumisyon, wala na lang ginawa kundi bwisitin ako. 

Kung hindi ko lang talaga kadugo yun, malamang sa mga oras na ito ay lumulutang na ang katawan niya sa ilog. 

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon