ThirtyNine

2.6K 21 0
                                        

Cyd's POV

          Tama nga ang sinabi nila na kapag hindi ka nag-eenjoy ay pakiramdam mo ay sobrang bagal ng oras. Yun tipong bored na bored ka na at wala ka sa wisyo kaya maya-maya ang pagtingin mo sa orasan mo at hinihintay na sana matapos na ang araw na ito.

Pakiramdam ko parang may kulang; hindi ko alam kung ano  basta parang may kulang. May hinahanap-hanap ako pero hindi ko alam kung ano yun.

May gusto ako makita pero wala; hindi ko nakikita.

Nakakainip, gusto ko na umuwe kahit na kakapasok ko lang. 

Sana walang prof. para malaya ako kahit ngayon lang. 

Hindi naman sa tamad o ayaw ko mag-aral, basta wala lang ako sa wisyo ngayon. 

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito; bored na bored na ako sa school though marami naman mga activities.

Kung dati sobrang excited pa ako pumasok pero ngayon iba na. 

Hindi na nga ako nagtatagal dito sa school; diretso uwe na agad ako at nagkukulong sa kwarto ko.

Yun na ang madalas na daily routine ko.  

And I think there is something missing.

I am missing something...

or maybe someone?

Hay kanina pa ako nag-iisip dito pero bakit parang ang tagal magsimula ng first period?

Tinatamad na ako; hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ang aga ko pumasok eh wala naman ako sa wisyo. 

Ayoko na dito sa room. 

Sa field na lang ako magpapalipas ng oras. 

At sa tingin ko hindi muna ako aattend ng first at second class namin. 

May bukas pa naman and I guess kaya ko naman bawiin yun namissed ko ngayon araw hahaha dalawang subjects lang naman at hindi pa major. 

*********

Buti na lang walang masyadong tao dito sa field. Hindi masyadong maingay.

Nakakatawa, simula nung araw na iyon madalas na ako dito sa field.

Simula noong una kong nakita si Ali.

Hindi naman ako masyado dito; actually that was my first  time staying here just to kill time. 

Tss ano ba ito? Ang weird ko! 

Bakit parang ang drama ko? 

Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. 

Hindi naman ako ganito kadrama or ka- OA dati hmm pero ngayon parang nag-iba na.

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon