Mira's POV
Tell me this is just a dream
'Cause I'm not really fine at all ♫♫♪♫
"Para sa kaniya na naman ba yan?" Mataray na tanong sa akin ni Alec
Hindi ko siya sinagot ,sa halip ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
Hinahanap ko ngayon si Yana. Hindi ko kasi siya nakita kanina pagkatapos ng klase namin.
"Tss martyr!"
Gusto ko siya makausap. Gusto ko siya makita ulit ng malapitan, mapagmasdan siya kahit na kung ano-anong mga masasakit na salita ang tinatapon niya sa akin.
Nagpasya ako na personal ko sa kaniya ibibigay ito. Hindi naman ito ganun kamahal o kaganda pero nag-effort talaga ako para dito. Hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay pero para sa kaniya ay gagawin ko.
Ako lang ang gumawa nito, nagbabasakali na mapansin na niya ang mga ginagawa ko para sa kaniya, at baka magtulak na din sa kaniya na kausapin ako, ng walang sigawan na nagaganap -_-
Pumunta ako sa library, pero wala siya dun. Sa canteen, wala. Pinuntahan ko lahat ng mga lugar kung saan siya madalas nag-i-stay, pero maski anino niya ay hindi ko makita-kita.
Isang lugar na lang ang hindi ko pa napupuntahan......
* * * * * * * * * *
Pumunta agad ako ng field.
Madalas ko kasi niya nakikita nitong mga nakaraang linggo na nag-iisa dito. Nakaupo sa bleachers at parang wala sa sarili, ang layo ng tingin niya, hindi ko alam kung sino o ano ang tinitignan niya.
Gustong-gusto ko siya lapitan sa tuwing nakikita ko siya dito, gusto ko samantalahin ang pagiging mag-isa niya para solo ko siyang makausap.
Nilubot ko ang paningin ko sa buong field, at ayun.....
Nandoon na naman siya at mag-isang nakaupo.
Dahan-dahan ako lumapit sa kaniya. Gustohin ko man siya yakapin pero masminabuti ko na lang na umupo sa tabi niya na may konting distansya.
Hindi niya ako napansin, hindi niya napansin na may katabi na pala siya. Ang layo na naman kasi ng tingin niya, parang may kung anong iniisip ito na napakalalim.
