Sixty Three

1.1K 32 6
                                        

Yana's POV

Your smile is more beautiful than the stars

I wanna be with you again ♥

 I can't think straight, 
every time I think of you ♥

 I want to hold your hand ....
again ♥


Habang binabasa ko ang gawa niya, ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kakaiba.

Nag-effort pa siya gawin to? 

 Hindi ba siya napapagod? Kailan niya ba balak tumigil? Napakastupid niya talaga.

Kilala ko siya, hindi siya yun tipo ng tao na gumagawa ng mga ganitong bagay, pero bakit? 
Bakit niya to ginawa? Hindi pa ba sapat ang mga sinabi ko sa kaniya para tigilan ako? Sa totoo lang nakakainis na ewan. 

I miss you ♥

I love you ♥

Lagi na lang niya ito sinasabi sa akin. Walang araw na hindi niya pinapaalala sa akin kung gaano na niya ako namimiss at kung gaano niya ako kamahal. 

Tanga ba siya? Bakit hindi niya magawang magalit sa akin? 

Bakit siya pa ang sumusuyo sa akin? 

Naiinis ako sa kaniya. Hindi siya ang stupid na nakilala ko. Grabe na ang sakit na naidulot ko sa kaniya, pero bakit hindi pa din siya tumitigil? 

Sinasaktan at pinapagod niya lang ang sarili niya. 

She's like a knight, fighting for nothing...
Sweating for nothing...

 Nahihirapan na ako. Hindi ko na gusto ang mga nangyayari. 

Ang hirap na ng sitwasyon ko, namin. 

Hindi din naman ito mangyayari  kung sa umpisa pa lang ay pinairal ko na ang utak ko. Kung sana inisip ko muna ang maaring mangyari, edi sana walang masasaktan ngayon, walang magpapakapagod sa wala. 

Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kaniya. Sana huli na ito, sana tumigil na siya pagkatapos ng ginawa ko sa kaniya. 

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon