Forty Three

2.3K 16 1
                                        

Mira’s POV

These past few days,

Pakiramdam ko parang ilag sakin si Yana.

 ano naman kaya ang ginawa ko at ganun siya sakin?

 Wala naman akong natatandaan na may nagawa ako sa kaniya na sobrang sama.

Hindi ko naman siya sinaktan

Hmm siguro nainis siya dahil nasira ko yun tulog niya nung isang araw..

Yun kaya yun? 

 Ugh! Ewan!

 “May!”  tawag ko at napahinto siya sa paglalakad.

“Hmm?” 

“Uh-uhm si Yana?”  tanong ko

“Bakit mo siya sakin hinahanap?” nakataas na kilay niyang tanong

“Diba lagi kayo yun kasama niya?”  balik kong tanong

“So?”  nagtataray ba siya o ano?...

“Baka kasi alam mo kung nasaan siya”  sagot ko

“Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala?”  Ugh! Ano ba to, ang sungit naman.

“Aish! Never mind na nga lang”  at umalis na ako.

 Ano naman kaya ang problema nun at ubod ng sungit ngayon?

Tss ang tino niya kausap.

 Hay Sungit na saan ka naman kaya? Ang bilis mo mawala kada matatapos yun klase.

Hindi ka man lumilingon kapag tinatawag kita.

 Ganun pa din siya, kada matatapos yun klase namin ay ang bilis niya mawala.

At hanggang sa mag-uwian ay hindi ko pa din siya nakakausap.

 Nakakaasar! Bakit ba ako nagkakaganito? Para na akong aso kakahanap at kakahabol sa kaniya.

 Pumunta ako sa canteen pero wala siya at pumunta din ako sa library kung saan madalas siya pumunta pero wala.

 Tss sino na ngayon ang kasama ko kumain? May nakita pa naman akong bagong bukas na shop at balita ko masasarap ang mga pastries dun.

*********

 Mag-isa akong pumunta sa bagong bukas na shop.

 Masarap yun pagkain nila pero parang may kulang. Hindi ko masyado na enjoy ang pagkain.

“Loner?”  tinignan ko kung sino yun at si Chloe lang pala

“Hi”  bati niya

“Hello”  bati ko at Umupo siya sa tapat ko, dala ang order niya

“Himala mag-isa ka lang ngayon”  sabi niya

“Tss hindi ko makita yun dapat na kasama ko ngayon” sagot ko

“Hahaha sawa na siya sayo”  pang-aasar niya kaya tinignan ko siya ng masama.

“Oops! Mukhang wala ka din sa mood” sabi niya

Napabunton hininga na lang ako. Hindi ko din alam kung bakit ganito na lang ang epekto nung sungit na yun sakin eh wala naman siyang ginawa kundi sungitan lang ako.

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon