Sixty One

880 25 4
                                        

Mira's POV

"Mira tama na!"   Sigaw sa akin ni May

Ito na naman siya, lagi na lang ganito ang sinasabi niya sa akin. Lagi na lang niya ako pinapagalitan, sinesermonan at pinagsasabihan. Nadaig pa niya ang mama ko, halos araw-araw ay sinasabi niya ito. 

Hindi ko din naman siya masisisi kasi mukha na "daw" kasi akong tanga. Gustohin ko man tumigil pero hindi ko magawa. Alam kong may pag-asa pa ako......

Kahit katiting man lang. 

Hindi malinaw ang naging dahilan niya para iwan ako at alam kong hindi din ganun kadali na kalimutan niya ako malibang na lang.....

Kung Minahal niya nga talaga ako? 

Siya yun tipo ng tao na mahirap basahin, mahirap intindihin. Pero kahit ganun siya mahal na mahal ko pa din siya.

Ang nakikita ko ngayon sa kaniya ay hindi ko pa nakikita noon. Ang pagiging clingy niya sa "boyfriend" niya, ang mga ngiti na nakikita ko sa tuwing magkasama sila ng lalaking iyon ay hindi ko pa nakikita sa kaniya sa tuwing magkasama kami. 

Sa tingin ko, marami na ang nagbago sa kaniya. Maski ang mga kaibigan niya ay hindi na din siya maintindihan. Bibihira na lang din ito sumama sa kanila, para tuloy ako ang pumalit sa pwesto niya. Ako na ang palaging kasama ng mga ito. 

Nakakainis napakabilis ng araw. Isang buwan na din ang nakakalipas, pero ganito pa rin kami. Pakiramdam ko tuloy habang tumatagal ay unti-unti na niyang nakakalimutan kung ano man ang nangyari sa amin, ang mga pinagsamahan namin. 

Linggo ngayon at siguradong bukas ay makikita ko na naman siya.

Kahit anong gawin ko ay hindi man lang niya napapansin iyon. Ilang beses ko na din siya nahuhuli na tinatapon lang ang mga binibigay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung nagkataon lang o sinasadya niya talaga na itapon iyon sa tuwing nandoon ako, malapit sa kaniya. 

"Alis muna ako, ikaw muna bahala dito sa apartment ko"  Paalam ko kay May

"Huh? Oyy wag mo k---"  

Bago  pa siya matapos sa sasabihin niya ay nakalabas na agad ako ng apartment. 

Ayaw ko mag-stay dun buong maghapon. Mababaliw lang ako. Sa totoo lang sa tuwing kasama ko si May ay naalala ko si Yana. Hindi ko alam kung bakit, pero nakikita ko talaga sa kanya si Yana.

* * * * * * * * * * *

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon