Yana's POV
*sigh* Kaasar naguguluhan na talaga ako -___-
Bakit ba kasi dun na punta ang usapan namin eh sa pagkakaalam ko ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa aso tapos bigla bigla na lang siyang sumesegway pssh.
Aargh! Kainis hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Ano bang meron sa stupid na yun at ginugulo niya ako, I mean ang pag-iisip ko?
Pssh may sumpa siguro siya at nahawa ako dun o di kaya may powers siya para magpagulo ng isipan ng iba. Hay ano ba itong pinag-iisip ko; ang ooa at wiwirdo!
Arf! Arf!
Ay lintek; pssh ano ba itong si Phoebee makapanggulat wagas!
Arf! Arf!
"Bakit Phoebee anong kailangan mo?" malambing kong tanong sa kaniya
Mahilig talaga ako sa mga hayop, specially sa mga aso.
Regalo sakin si Phoebee ni mama, late birthday gift niya daw sakin; grabe nuh sobrang late ng regalo niya hmm pero thanks na din dahil matagal ko na gusto magkaroon ng alaga.
By the way isang chow-chow si Phoebee , isang napakacute na chow-chow. Grabe unang kita ko palang sa kaniya pinanggigilan ko na agad.
At hindi ko pa rin maintidihan hanggang ngayon kung bakit ayaw sa kaniya nung asungot na yun eh kung tutuusin nga mascute pa sa kaniya si Phoebee pssh ang dami kasing arte din nun sa buhay.
Hay nevermind na nga lang siya -__-
"Baby nagugutom ka na ba?"
at tumahol naman si Phoebee.
Para talaga siyang tao, ang bilis makaintindi hindi katulad ng asungot na yun na slow.
Siguro kung naging tao lang itong si Phoebee baka masmatalino pa siya kesa dun sa asungot na yun -__-
Aish! bakit ko ba pinagkukumpara si Phoebee sa asungot na yun? Di hamak na maslamang naman sa kaniya si Phoebee nuh.
After kong pakainin si Phoebee ay nakipaglaro muna ako sa kaniya bago patulugin siya.
Sa kwarto ko siya natutulog, meron siyang maliit na kama (as in sobrang liit) na para lang sa kaniya.
Hay ang cute talaga ng baby ko, sana maging kasing cute niya ang magiging forever ko, pero syempre hindi mukhang aso hahaha ano ako baliw? Kung kamukha rin naman ng aso ang magiging forever ko edi sana si Phoebee na lang ang pinili ko. CUTE na, wala pang arte sa buhay di tulad ng asungot na yun.
UGH! Siya na naman! Si asungot na naman ang bigla-biglang pumapasok sa isip ko pssh ano ba kasing meron sa kaniya?
Para siyang nightmare na hanggang sa paggising ko ay ginugulo pa rin ako.
Sana hindi siya makatulog ngayon! Bwiset siya ginugulo niya isip ko pssh o kaya kung makatulog man siya sana ay bangungutin siya. ( Ang sama ko nuh? Siya kasi eh ginugulo niya isip ko!)
*****
11:45pm
(O_O)
Ugh! Grabe hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Kanina pa ako nakahiga dito sa kama at nakatitig lang sa kisame.
