Forty Five

2.3K 22 0
                                        

Mira’s POV

 “Napakastupid mo talaga!”

 “Aray hah!”

 Lahat na lang sila pare-parehas nang sinasabi at may kasama pa kutos.

Ganun na ba talaga ako kastupid?

 “Malay ko ba! Humingi na naman ako ng tawad sa kaniya!” 

 “Tss bakit ka magsosorry? Dapat nilinaw mo na lang.”  Huh? Nilinaw? Hindi naman slow si Yana kaya gets na niya yun

 “Hindi na kailangan”  at binalik ko na ulit ang attention ko sa nilalaro ko

 “Jan ka magaling, games ka ng games kaya napakastupid mo talaga!” 

Nakakainis na lahat na lang sila sinasabihan ako ng stupid..

 “Make a move!” 

 Huh? Make a move? Ano ba itong pinagsasabi ng magaling kong pinsan?

 “Ano uupo ka na lang jan buong araw at maglalaro?!”  Ang taray talaga nito, nakakainis na.

 “Tss may dapat ba akong gawin?!”   Lumalayo na nga sa akin yun tao, tapos sasabihin niyang make a move.

 “Humihingi ka nga advice jan tapos ayaw mo naman pakinggan. Sa tingin mo may mangyayari sainyo niyan?” 

 “Ano ba gusto mo mangyari?! Maging kami?”  Tss  imposible yun dahil kinaiinisan din ako nun.

 “Tinawagan ko na siya, pinapapunta ko siya ng park mamayang alas quarto ikaw na ang bahala pagkatapos” 

 “Huh? Bakit?”

 Bwiset talaga to!

 “Talk to her, make a move!”  at lumayas na ang loko.

 “Hindi man lang ako sinabihan” 

 Wait tawagan ko na lang siya na wag pumunta.

Pero uh-uhm paano? Eh baka……

****

 In the end, I end up coming to the park kung saan ang sinabi ng asungot ko pinsan. Nakakahiya naman kung hindi ako pumunta, ayaw na ayaw pa naman niya pinaghihintay at maslalo ang indianin.

 Medyo maaga pa, may 10 minutes pa bago mag alas quarto. Buti na lang medyo makulimlim kaya hindi ako mabubugnot na na mag-hintay dito kasi hindi mainit.

 Ano naman ang sasabihin ko? Hindi ko alam kung paano magsisimula, ano naman ang ioopen up ko topic? Saan kami pagkatapos nito? Hindi naman kami pwede mag-stay dito ng matagal, nakakabored. Pero bago yun, ano ang sasabihin ko? Wala ako maisip, pero dati hindi ako maubusan ng sasabihin. Aargh! Kaasar!

“Hey” 

 N-nandito na siya… Anon a ngayon ang gagawin ko? Hindi ko alam kung paano sisimulan.

 “Uh-uhm H-hi”   bwiset bakit ako nauutal?

 “Hmm bakit nga pala?”  

 Paano to? Ano ang sasabihin ko?  Nakakainis ka talaga Alec!

 “Ah eh.. K-kasi yun pinsan ko talaga ang may pakana nito, w-wala talaga ako balak na uhh papuntahin ka dito”

“Biglaan ito”  dagdag ko

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon